Netizen may payo kung paano magkakaroon ng matatag na relasyon




Public Domain Image
  • Ano-ano nga ba ang magandang maipapayo upang magkaroon ng matibay na relasyon sa kasintahan?
  • Iyan ang sinikap na isa-isahin sa isang Facebook page
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Paano nga ba magkakaroon ng matatag na relasyon sa isang mahal sa buhay?

Iyan ang inisa-isa sa Facebook page na “Note” kung saan inilatag ang iba’t ibang mga paraan kung paano makakamit ang malusog at matibay n arelasyon o  “healthy and strong relationship.”

Public Domain Image

Una, tanggapin ang mga pagkakamali at matuto mula rito. Sumunod, hindi rin dapat ungkatin ang mga nakaraan upang patunayan dito ang isang punto. Mas mahalaga raw ang kasalukuyan kaysa ang nakaraan. Huwag daw hayaan na lamunin ka ng pride o ego.

Sumunod, makatutulong din daw ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa. Kung natanggap na ang mga pagkakamali, matutong humingi ng tawad. Iparamdam din sa karelasyon na kayo ay partners at hindi kayo magkaaway o magkatunggali.

Hangga’t maaari, iwasan din daw ang pagiging manipulative o nangongontrol sa mga bagay-bagay sa inyong relasyon. Kapag naman may mga bagay na kailangang pag-usapan, maging kalmado lamang. Iparamdam sa kaniya na ikaw ay kontento.

Isantabi rin ang “toyo” at hangga’t maaari, huwag dalas-dalasan ang pagpapakita ng immaturity. Hindi raw healthy ang mga ganitong sitwasyon; kung kaya itong ayusin, ayusin. Gayundin, huwag maggagantihan. Magtulungan sa isa’t isa sa mga pansariling pag-unlad.

Public Domain Image

Huwag ding puwersahin ang karelasyon sa mga bagay na hindi niya gusto. Hindi rin kailangang palagpasin ang araw na hindi siya nakukumusta. At higit sa lahat, kailangang maging sentro ng pagsasama ang Panginoon.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This is tre, lalo na ang communication. Communicate even in simple ways.. Once in a day might be enough, ask how was their day. Constant communication is a must, let them feel that they are worth to remember. Don’t let your partner felt uneasiness, coz you might never know what happened when you began to stop communicating,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ngayon na single ako, habang hindi pa dumarating ang itinakda ni Lord, magsusumikap muna akong mahalin at alagaan ang sarili ko, i-manage ang mga insecurities ko, career, save money, learn new things and being happy and contented being alone, and seek first the kingdom of God.”

“In short, invest in yourself and your relationship with God. Waiting season is a preparation for a better love story in the future,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, sang-ayon ka ba sa mga ito?

Source :

Facebook