Mon Confiado ibinahagi ang iba’t ibang mukha sa mga ginampanang karakter sa pelikula




Imahe mula sa Facebook account ni Mon Confiado
  • Ibinahagi ni Mon Confiado ang kaniyang “The Many Faces of Me”
  • Mahusay na character actor si Mon na pawang markado ang mga pagganap sa telebisyon at pelikula
  • Isa na riyan ang pagganap niya sa pelikulang “Heneral Luna” bilang Emilio Aguinaldo

Isa sa mahuhusay ngunit “underrated” na character actors ng Philippine Showbiz si “Mon Confiado” na talaga namang markado ang mga pagganap, sa telebisyon man o pelikula. Kung dedikasyon din lamang ang pag-uusapan, may ilalaban si Mon diyan, patunay ang paghahanda niya hindi lamang sa gagawing pag-arte, kundi maging sa pisikal na hitsura ng karakter na kaniyang gagampanan.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang iba’t ibang mga naging mukha niya sa pelikula, na malayong-malayo sa kaniyang tunay na hitsura. Bahagi ito ng tinatawag na character internalization na kailangang-kailangan sa pagganap ng iba’t ibang papel sa pelikula.

Imahe mula sa Facebook account ni Mon Confiado

“I may often be asked to play characters who are all not like me. The Many Faces of Me,” saad niya sa kaniyang caption, kalakip ang collage ng kaniyang mga larawan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Napakahusay, Sir Mon Confiado! You may not remember me already, but I am that little kid na kasabay mo galing El Nido to Puerto. We had a shoot in El Nido for Baybayin of Direk Aureaus. Will always be a fan, Sir Mon. Keep that humble aura,” sabi ng isa.

Saad naman ng isa, “When I was a student, and everytime we had role-playing activities, I always watch your videos to help me get into character. Thank you Sir Mon.”

“Probably one of the most iconic and underrated villain the Philippine television and cinema has known. We wish to see more of your projects, Sir Mon,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Everytime you play a character, you never fail to make me feel what your character wants us to feel. Good job sir!”

Imahe mula sa Facebook account ni Mon Confiado

Isa sa mga tumatak na naging papel ni Mon ay ang pagiging “Emilio Aguinaldo” sa hit movie na “Heneral Luna” na pinagbidahan ng isa pang mahusay na aktor na si John Arcilla.

Source :

Facebook