Mga magkarelasyong Mangyan ikinasal nang libre sa simbahan; hinayaang magsuot ng tradisyunal na kasuotan




Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD
  • Libreng ikinasal ang mga magkasintahang Katolikong Mangyan sa Mindoro
  • Hinayaan silang magsuot ng kanilang mga tradisyonal na kasuotan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ang mga Mangyan ay ilan lamang sa mga pangkat-etniko sa Pilipinas na kailangang igalang at saluduhan dahil nang-aangkin sila ng mayamang kalinangan o kulturang tatak ng pagka-Pilipino. Hindi sila dapat mapag-iwanan at pagtawanan.

Kaya naman, ibinahagi sa isang religious Facebook page na “Kuya CFD” na nagkaroon pala ng isang kasalang bayan sa lalawigan ng Mindoro ang isang pari na nagngangalang Rev. Fr. Roy Buruanga para sa mga magsing-irog na katutubong Mangyan.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

“WE DON’T TOLERATE DISCRIMINATION INSIDE THE CHURCH. Ito ang ipinakita ng Simbahang Katolika para sa mga kapatid na kabilang sa mga tinatawag na Indigenous People,” saad sa post.

Bilang paggalang sa kanilang tradisyon, hinayaan at pinayagan silang magsuot ng kanilang katutubong kasuotan.

“Suot ang kanilang mga katutubong kasuotan, ikinasal nang libre ang mga katutubong Mangyan sa San Roque Mission Area, Mindoro na pinangungunahan ni Rev. Fr. Roy Buruanga.”

“No matter what your race, tribe, gender, and religion is, you are (all) welcome inside the Church. Because we are Catholics. We are universal- And we are the Church For All.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Best wishes. Be good parents to your families. Mamuhay nang masaya, mapayapa at may pagsunod sa Diyos. More news like this please!” saad ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

Turan naman ng isa, “Mga Katolikong Mangyan. Nakakatuwa lang na kinikilala nila si Cristo bilang Diyos.”

“That’s their way of dressing up. Their native costume. Ang mahalaga maging tunay na Kristiyano sila at ang bendisyon ng kasal ay napakabuti sa mag-asawa,” pahayag naman ng isa.

Karamihan sa mga Mangyan ay aninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro. Itinuturing silang isa sa mga “mahiyaing tribo.” Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.

Mahalaga sa kanila ang mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro dahil ito ang kanilang ikinabubuhay. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

Mabuhay ang mga bagong kasal!