Megastar Sharon, Osang isiniwalat ang mga natuklasang ugali sa isa’t isa




Imahe mula sa Instagram accounts nina Sharon Cuneta at Rosanna Roces
  • Isiniwalat nina Sharon Cuneta at Rosanna Roces ang tunay na ugali ng isa’t isa habang sila ay nasa set ng kanilang taping ng pelikula
  • Unang pagkakataon nilang magsama sa isang proyekto
  • Agad daw silang nagkapalagayan ng loob

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang pelikula sina Megastar Sharon Cuneta at ang ultimate sexy star na si Rosanna Roces na kilala rin sa palayaw na “Osang.”

 Sa Instagram post ni Mega, “isiniwalat” niya ang mga natuklasan niya sa ugali ni Osang kapag sila ay nasa set ng kanilang taping.

Imahe mula sa Instagram accounts nina Sharon Cuneta at Rosanna Roces

“Osang is so sweet, caring, funny and nice! I really think na tinaon ng Diyos na ngayon lang kami magkasama sa isang project at magkakilala. Siguro kung noong (unang) kasikatan niya kami nagkasama, di kami magiging magkaibigan. Kasi sabi nga niya, ibang-iba siya at ang buhay niya noon,” paliwanag ng Megastar.

“Baka di siguro kami nagka-hope magkasundo. Now she has been through so much in her rollercoaster of a life, and has mellowed and changed so much. She is so wonderful and I already miss her pag wala siya sa set at eksena ko. I thank God for the opportunity He has given me to get to know this lovely person in His time, right now!”

Samantala, ganoon din naman si Osang kay Mega. makikita sa kaniyang Instagram post kung gaano siya kasaya sa panibagong kaibigang natagpuan niya.

“I had fun last night… sorry Shawie hanggang 1:30 AM lang kinaya ng powers ko. Mamaya tambay ulit ako sa set para ‘di ka mainip. Grabe ‘di nauubos ang kuwento, pero mas masarap kang tingnan at pakinggan, na ‘di pa tapos ang kuwento mo nauna na ang mga halakhak mong totoong-totoo,” pahayag ni Osang sa kaniyang Instagram post.

Imahe mula sa Instagram accounts nina Sharon Cuneta at Rosanna Roces

Sa isa pang Instagram post ni Osang, sinabi niyang mas marami pa raw silang oras na magkuwentuhan at magtawanan sa set, kaysa sa mga eksenang nakunan.

“Mas madami pa tawanan namin sa eksenang kinunan… super daldal din pala ang Megastar kapag nakasundo mo. Ang saya-saya niya kausap.”

Balik-pelikula na nga sina Mega at Osang na may titulong “Revirginized” na ipo-produce ng Viva Films. Makakatambal niya umano rito ang young hunk actor na si Marco Gumabao.