Makahulugang post ni Bea Alonzo tungkol sa “Time as ultimate truth teller” pinag-usapan




Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo
  • Pinag-usapan ang makahulugang Instagram post ni Bea Alonzo hinggil sa “time”
  • Halos kasabay ito ng pag-amin ni Gerald Anderson sa tunay na relasyon nila ni Julia Barretto
  • Agad na naiugnay ito ng mga netizens tungkol sa naturang pag-amin

Matapos ang pinag-usapang pag-amin ni Gerald Anderson sa tunay na namamagitan sa kanila ng aktres na si Julia Barretto sa panayam ni Boy Abunda, at kay Julia naman ay hayagang pag-post ng sweet birthday message at larawan para kay Gerald, pinag-usapan din ng mga netizen ang latest na makahulugang post ni Bea Alonzo tungkol sa “time” o oras.

Batay sa Instagram post ng mahusay na aktres, makikitang kasama niya sa mga kalakip na larawan ang kaniyang pamilya, habang sila ay nasa bukirin o farm nila sa lalawigan ng Zambales. Ang saya-saya raw sa pakiramdam na nagagawa ang mga dati niyang nagagawa gaya ng pagtatampisaw sa ilog.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

“I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!,” saad ni Bea.

Dagdag pa niya, “These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for.”

Sa bandang dulo ng kaniyang post. mababasa na ang kaniyang realisasyon pagdating sa time o oras.

“Time that is best spent with family, time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!” kalakip pa ang mga kakaibang emojis.

At syempre, bagama’t wala naman siyang binabanggit na kahit ano, naiugnay kaagad ito ng mga “advance mag-isip” na netizens sa paglalantad nina Gerald at Julia sa kanilang relasyon, na matagal na panahon din nilang ikinubli at itinanggi.

Noong kalagitnaan ng 2019, matatandaang naging kontrobersyal umano ang hiwalayan nila ng aktor. Nabanggit pa ang salitang “ghosting” o makabagong termino sa isang sitwasyon kung saan bigla na lamang umaalis o nang-iiwan ang isang karelasyon, na wala namang malinaw na closure.

Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto

Sa panayam ni Gerald kay Boy Abunda, sinabi niyang wala siyang ghinost at naging “toxic” ang kanilang relasyon ng aktres.

“Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa ‘kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and ‘di magpapakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic— not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic — but being together we were very toxic,” saad ni Gerald.

Dagdag pa niya, “Hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that.”

Samantala, nang mga panahon na iyon ay nasa Zambales din sina Gerald at Julia para sa isang relief operation sa mga Aeta. Ito ang naging paraan ni Gerald upang ipagdiwang ang kaniyang 32nd birthday.

Samantala, panoorin ang one-on-one interview ni King of Talk Boy Abunda kay Gerald Anderson via YouTube Channel ng ABS-CBN Entertainment: