Fur-parent hinahanap ang nawawalang pet dog; handang magbigay ng pabuya




Imahe mula sa Facebook account ni Jhoanne Rodenas-Hafalia / Public Domain Image
  • Nakapukaw sa atensyon ng mga netizens ang isang paskil na naghahanap sa isang nawawalang pet dog
  • Siya ay si Maxx na huling nakita ng kaniyang fur-parent noong Pebrero 20, 2021
  • Nakahandang magbigay ng pabuya ang fur-parent sa sino mang makapagtuturo nang tama at totoo kung nasaan ang alagang aso

“Nakakalungkot man na marami pa rin ang naghahanap ng kapalit para lang tumulong pero okay lang basta mahanap ka lang ulit Maxx.”

Iyan ang pahayag ng isang fur-parent na nagngangalang “Jhoanne Rodenas-Hafalia” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang simpleng poster na ipinagawa niya upang matagpuan lamang ang nawawalang pet dog niyang si Maxx. Makikita sa paskil na handa siyang magbigay ng pabuyang 3,000 piso para sa mga makapagtuturo kung nasaan ang kaniyang fur baby.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhoanne Rodenas-Hafalia

Salaysay niya, noong Pebrero 20, 2021 ng gabi lamang niya napansing nawawala ang alagang si Maxx, pagkauwi niya sa bahay. Mahilig daw talagang sumunod sa kaniya ang alaga kapag lalabas sila ng bahay.

“Umalis po ako ng bahay gamit po ‘yung car namin lumabas din po siya ng gate around 2:00 AM. Normally talagang sumasabay siya at lumalabas ng bahay dahil ‘di namin siya kinukulong. Though ‘di naman ganoon kalayo yung subdvision na pinuntahan ko, panatag ako na makakauwi siya ulit sa bahay,” paliwanag niya sa panayam.

Baka raw dahil madilim pa noon, kaya’t di nakita ng aso ang daan pauwi. Isa pa, naispatan daw niya sa rearview mirror na may sumalubong ditong askal o asong kalye.

“Hindi ko napansin na nawawala pala siya, akala ko nasa loob siya ng bahay… gabi ng Saturday nang mapansin kong wala siya. Lumabas ako ulit para hanapin siya sa area kung saan ko siya last nakita pero wala siya doon. Sunday morning around 8:00 AM, nag-start na ko mag-post online tungkol sa kanya, lumabas din kami ulit para maghanap- hanap.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jhoanne Rodenas-Hafalia

“UPDATE PO KAY MAXX as of 2/23: Last seen po siya sa may INC Deparo. Umalis siya ulit dun sa family na nakakita sa kanya. Tnry niya talaga sigurong hanapin ang way pauwi sa bahay namin. Meycauayan pa po kame nakarating na siya ng Caloocan. Sobrang pagod na siguro ni Maxx kakahanap sa amin. Nag ikot ikot na po kame sa area di pa rin po namin siya nakikita.”

As of this writing ay hindi pa raw nahahanap si Maxx. Kaya naman, maigting na ang pagnanais ng fur parent na maibalik sa kaniya ang kaniyang fur baby. Bukod sa pagpo-post ng paskil online, nagpamudmod na rin sila ng mga papel sa mga taong nakakasalubong, at malapit sa area kung saan nawala si Maxx.

Sa mga nakakaalam ng kinaroroonan ni Maxx, makipag-ugnayan lamang sa mga numerong nakasulat sa paskil, o sa mismong Messenger ng fur parent. Labis nang nangungulila ang mga fur-parent ni Maxx.

Source :

Facebook