Bonggang ‘welcome offer’ ng DITO Telecommunity pinag-usapan




Public Domain Image
  • Ilulunsad na ang unlimited services promo offer ng DITO Telecommunity 
  • Agad na pinag-usapan ito ng mga netizens
  • Makikita sa mismong opisyal na Facebook page ng DITO ang kanilang kumpirmasyon hinggil dito, gayundin ang kanilang  partnership sa iba pang mga telecommunication companies gaya ng PLDT

Agad na pinag-usapan ang “welcome offer” ng DITO Telecommunity Corporation para sa mga subscribers,  na ilulunsad na sa Marso 8, 2021, dahil unlimited services promo kaagad ang hain nila sa mga magnanais na masubukan ang kanilang serbisyo, sa loob ng isang buwan.

Ang mga aspiring DITO users na bibili ng prepaid SIM card makaka-access sa unlimited data, DITO-to-DITO calls, at DITO-to-DITO texts na tatagal ng 30 araw o isang buwan matapos ang activation nito, sa halagang 199 piso. Ang mga nakapag-avail ay kinakailangan lamang na magpa-load ng halagang ito, hindi na kailangan pang irehistro, at maaari nang ma-enjoy ang mga unlimited services promo.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Yes please! Dami pong nahihirapan dito sa online classes, hina ng signal kaya dapat kasama kami sa priority DITO!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Makataong offer… sana magtuloy-tuloy ‘yan para magkaroon ng ginhawa mga Pilipino sa pag- access ng internet.”

“No need for interconnection since the majority of people in the Philippines will be using DITO, so there will be no additional charges and will be more cheaper,” wika naman ng isa.

Makikita sa mismong opisyal na Facebook page ng DITO ang kanilang kumpirmasyon hinggil dito, gayundin ang kanilang  partnership sa iba pang mga telecommunication companies gaya ng PLDT.

“Another day, another piece of good news! DITO has sealed interconnection partnerships with other telcos. What’s INTERCONNECTION? This just means that DITO subscribers will be able to send and receive SMS and calls from other networks; and vice versa! Nothing complicated. DITO, we make it simple and easy for you.”

Public Domain Image

Ang DITO Telecommunity Corporation ay dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. o Mislatel.