Arjo Atayde nagpasalamat sa home network sa pagpayag na makapag-guest siya sa “Daddy’s Gurl”




Imahe mula sa Instagram account nina Arjo Atayde / Maine Mendoza
  • Guest si Arjo Atayde sa birthday special episode ng “Daddy’s Gurl”
  • Ito ang sitcom na pinagbibidahan ng girlfriend na si Maine Mendoza sa Kapuso Network
  • Nagpapasalamat ang aktor na pinayagan siya ng Kapamilya Network na gawin ito

Nagpasalamat ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa kaniyang home network dahil pinayagan siyang maging guest sa sitcom na “Daddy’s Gurl” ng GMA Kapuso Network, para sa birthday celebration ng kaniyang girlfriend of 2 years na si Maine Mendoza.

Makikita sa Facebook at Instagram post ni Arjo, na kamakailan lamang ay muling pumirma ng eksklusibong kontrata sa ABS-CBN, ang kaniyang pag-guest sa naturang sitcom, na pinagbibidahan ni Maine kasama si Vic at Oyo Sotto. Ayon kay Arjo, isa raw itong “first time” sa kanila ni Maine.

Imahe mula sa Instagram account nina Arjo Atayde / Maine Mendoza

“Guess who’s coming out together for the first time tonight.  I’m so excited for this, bubby (tawagan nila ni Maine)! Thank you to the staff and crew and Direk Chris for thinking about me,” saad ni Arjo sa caption.

Pinasalamatan niya ang APT, MZET, at GMA Network sa pambihirang oportunidad na mapagsama sila ng girlfriend sa isang episode man lamang ng show; gayundin sa handler ng kaniyang career na Star Magic at home network na ABS-CBN sa pagpayag na magawa niya iyon para sa kaarawan ni Maine.

“Thank you for allowing me to make Maine’s birthday just a little extra special. Thank you so much! I definitely enjoyed every moment acting with you, Maine,  happy birthday again bubs! I love you!” pasasalamat ni Arjo, na anak ng mahusay at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Samantala, hindi naman din nagpahuli si Maine sa kaniyang Instagram post.

“Another first! Thank you, Daddy’s Gurl fam! And thank you for saying yes to this, Arjo! Nice working with you po, char not char. Can’t wait to see this episode!!!”

Imahe mula sa Instagram account nina Arjo Atayde / Maine Mendoza

Kamakailan lamang, kinakiligan ng mga netizens ang sweet message ni Arjo para sa 26th birthday ni Maine.

Arjo Atayde may simple ngunit makahulugang mensahe para sa GF na si Maine Mendoza