Arjo Atayde may simple ngunit makahulugang mensahe para sa GF na si Maine Mendoza




Imahe mula sa Facebook account ni Arjo Atayde / Public Domain Image
  • May simple ngunit sweet na mensahe si Arjo Atayde para sa kasintahang si Maine Mendoza
  • Nagdiwang ng 26th birthday ang Phenomenal star
  • Marami ang kinilig sa kanilang sweet photo 

“I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby!”

Iyan ang matatamis na mensahe ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde para sa kaniyang girlfriend na si Phenomenal star Maine Mendoza para sa pagdiriwang ng 26th birthday nito. Makikita sa mismong social media accounts ng mahusay na aktor ang kanilang sweet photo ni Menggay.

Imahe mula sa Facebook account ni Arjo Atayde / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“How sweet! More power to you both. And happy birthday to Maine. Wishing you more blessings this year,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Love them both, being fearless and being true to us their fans. At least sila, talagang lumantad at umamin, hindi sila natakot na baka awayin sila ng mga fans dahil alam naman natin na ang gusto talaga ng mga tao para kay Maine ay si Alden.”

“I really love this couple, yung chill lang ‘yung relationship and supportive sa isa’t isa, How I wish I can find my Arjo Atayde too,” wika naman ng isa.

Matatandaang noong 2019, inamin ng dalawa na sila ay nasa estado ng “exclusively dating.”

“Again, without waiting any longer, here’s the statement and confirmation you have been waiting for: It’s true, I am dating Arjo,” saad noon ni Maine sa isang post, na bigla ring nawala.

Imahe mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

“I know, I have been reading tweets from my supporters and I am well aware that majority of them are not in favor of him- of anyone, actually…. And I understand the sentiments of some because of the ‘loveteam culture’ here in the Philippines,” paliwanag pa noon ni Maine dahil nga sa mga natatanggap na masasamang komento mula sa mga avid fans ng “AlDub” na nabuo noong 2015 sa noontime show na “Eat Bulaga.”

Noong Disyembre 21, 2020 ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 2nd anniversary.

Happy Birthday, Maine Mendoza!