Angeline Quinto: “Ang sarap lang magtrabaho nang magtrabaho para sa mga pangarap natin”




Imahe mula sa Instagram account ni Angeline Quinto
  • May repleksyon si Angeline Quinto hinggil sa pagtatrabaho
  • Masarap daw magtrabaho nang magtrabaho para sa pag-abot ng mga pangarap
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa sa mga maituturing na pinakamahuhusay na mang-aawit ng bagong henerasyon ang tinaguriang “Queen of Teleserye Theme Songs” na si Angeline Quinto, na pinasok na rin ang pag-arte sa pelikula at maging sa mga teleserye.

Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Angge na masarap magtrabaho sa araw-araw lalo na kung para ito sa pagtupad ng mga pangarap.

Public Domain Image

“Ang sarap lang magtrabaho nang magtrabaho para sa mga pangarap natin. Magugulat ka isang araw nagbunga na lahat yung pag-iisip, pagpupuyat at pagod,” aniya.

Masa masarap din umano ang pag-abot sa mga pangarap kung naibabahagi ito sa pamilya at mga taong mahal sa buhay.

“Sobrang bonus pa yung maibahagi natin sa pamilya at taong mahal natin yung biyayang galing sa Diyos.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The best talaga yung makatulong tayo sa mga mahal natin. Hindi matutumbasan ng kahit na anomang halaga ang mga bagay na naibibigay natin sa ating mga mahal at kapamilya. Always care and share!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Angeline, deserved mo rin naman ang lahat ng tinatamasa mo ngayon dahil mabuti kang tao, anak, kapatid at kaibigan. Kaya hindi tumitigil ang Diyos sa pagbibigay ng biyaya sa ‘yo.”

“Good afternoon po Ate Angge, tama po kayo, ako nga may module daming ganap sa life, pagod na pero heto lumalaban pa rin para sa pangarap. Laging kumapit lamang sa dahilan ng lahat, sa goals natin, at for sure na hindi tayo maliligaw,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Bagama’t hindi napagbigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, isa si Angeline sa mga mang-aawit ng Kapamilya Network na masasabing mapalad pa rin dahil patuloy pa ring may trabaho. Bukod sa pag-awit sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo, kabilang din siya sa upcoming inspirational teleserye na “Huwag Kang Mangamba” na pagbibidahan ng “The Gold Squad” na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.

Makakasama rin dito ang mga nagbabalik sa Kapamilya na sina RK Bagatsing at Mylene Dizon. Si RK ay gumawa ng mini-series sa TV5 habang si Mylene naman ay sa GMA Kapuso Network.