Senador Panfilo Lacson sinagot ang patutsadang ‘naninilaw’ na siya




Public Domain Image
  • Sinagot ni Senador Ping Lacson ang patutsada sa kaniya ng isang netizen
  • “Naninilaw” na raw siya o nangangahulugang pumapanig sa mga Dilawan
  • Ayon kay Lacson, old line of thinking daw ito

“Old line of thinking.”

Sinagot ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang patutsada ng isang netizen na “naninilaw” na siya o mukhang pumapanig na sa Dilawan, dahil sa kaniyang pagpuna sa ilang mga desisyon ng administrasyong Duterte, sa ilang mahahalagang usapin ng bansa.

Public Domain Image

“I’m neither yellow nor neither. Hindi ba puwedeng sa tama lang regardless of political color? Kaya lagi tayong bigo because of that old line of thinking. For a change, let’s think of what is right for country and for people,” saad ni Lacson sa kaniyang Twitter post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Senator Lacson, saludo po kami sa inyong paninindigan, isa kayong tunay na kawal, hindi kayo nagpapatakot, sana po lagi ninyo kaming tulungan, sana lahat kayong mga senador ay magkaisa para matulungan kaming kawawang mamamayan,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “So dati po pala Senator Lacson, hindi ka po nag-isip para sa mga mamamayang Pilipino, ngayon lang? Eh matagal ka na yata sa senado ‘di ba? Ngayon po bukas na isip ng mga tao, alam na kung sino ang walang kuwenta at may kuwenta. Puro kayo hearing sa senado wala naman kayo napakulong.”

“Yes! Karamihan kasi laging panig sa mga kulay-kulay na ‘yan. Dapat wala nang dibisyon sa mga kulay o partido. Paano tayo magkakaisa niyan?” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Ikaw Sir Ping, sa tagal mo nang public servant, ano na ang nagawa mo para sa Pilipinas? Masakit lang sa mga mata ninyo na makita ang mga nagawang proyekto ng administrasyong ito.”

Ang tinutukoy na “political color” ay sumisimbolo sa mga politikal na pangkatin at paniniwala, gaya ng “Dilawan” at “Pulahan” na nausong mga termino noong panahon ng rehimeng Marcos.

Public Domain Image
Source :

News 5, Twitter