Pritong bawang ibinebenta na rin kapag magpapadagdag sa busang mani




Imahe mula sa Facebook account ni Josel Notorio / Public Domain Image
  • Pati pala pritong bawang ay itinitinda na rin
  • Iyan ang ibinuking ng isang netizen
  • Pangkaraniwan itong inilalagay sa panindang busang mani

Isa sa mga paboritong kutkutin ng mga Pilipino ang busa o adobong mani, na karaniwang makikita sa mga tabing-kalye. Plain man o maanghang, talaga namang patok na patok, lalo na kung sasamahan pa ng sandamakmak na pritong bawang.

Subalit ayon sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Josel Notorio” sa isang Facebook page, sa kanilang lugar daw ay itinitinda na rin ang pritong bawang ng sampung piso, kung magpapadagdag sa biniling busang mani. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon, dahil sa epekto ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook account ni Josel Notorio / Public Domain Image

“May nagbebenta ng mani dito sa amin. Lagi nagpapadagdag ng bawang mga bumibili sa kanya, eh mahal ng (presyo ng) bawang. Ginawa niya, pati bawang binebenta niya na. 10 piso isa niyan,” saad ng netizen; kalakip ang larawan ng mga pritong bawang na nakasilid sa mga plastik.

“Shock” naman dito ang mga netizens, lalo na ang mga aminadong bumibili ng busang mani.

“Smart move! Para sa akin, tama lang ‘yan, tulong na rin sa mga nagtitinda,” walang angal na sabi ng isa.

Turan naman ng isa, ” My gosh, hanging hinihinga na lang natin sa araw-araw ang walang presyo at libre! Grabe naman, bawang na nga lang na ilalagay sa mani, ititinda pa?”

“Kaya pala noong bumili ako ng mani, ang sama ng tingin sa akin noong nagtitinda. Sabi ko kasi dagdagan ng bawang. Tapos imbes punuin ‘yung lagayan ng mani, binawasan pa. Panahon nga naman ngayon… mga bansot na lang hindi tumataas!” pahayag ng isa.

Wika naman ng isa, “Ako na mas bet ang bawang: ‘Pabili nga po ng bawang na may kaunting mani.”

“Diskarte lang ‘yan. Ayos lang, tama naman, mahal bawang eh. Ok lang humingi ng kaunti, pero ‘yung iba kasi kulang na lang bawang na lang ang bilhin, OA magpadagdag,” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, bibili ka ba ng dagdag na bawang para sa mani? O bawangh na lang ang bibilhin mo?  Lol

Source :

Facebook