Payo ng netizen sa publiko: “Don’t get pressured sa phasing ng ibang tao”




Imahe mula sa Facebook account ni Nathan Perez ./ Public Domain Image
  • May paalala ang isang netizen/blogger
  • Huwag daw ma-pressure sa mga nangyayari sa mga tao sa paligid
  • Lahat tayo ay may sariling phasing

“Don’t get pressured sa phasing ng ibang tao.”

Iyan ang paalala ng netizen at blogger na si Nathan Perez para sa mga taong laging naihahambing ang kanilang sarili sa ibang tao, lalo na sa mga kaibigan nila, dating kaklase, katrabaho, kaanak, at iba pang “significant others.” Ibinahagi niya iyan sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Nathan Perez / Public Domain Image

Siya rin mismo kasi, pakiramdam daw niya ay parang late na ang mga milestones sa kaniyang buhay. Parang nababagalan siya sa phasing. Nagawa o nagkaroon na ang mga kaibigan niya, samantalang siya, nagsisimula pa lamang.

“I thought I was all the time late in so many luxuries of life. Nae-enjoy na ng iba bago ko pa na-experience. I was 25 when I had my first domestic flight (tapos trabaho pa ‘yun ha) and almost 30 when I first traveled abroad. Sa mga kaibigan, I was one of the last few to have experienced a camera phone,” pagbabahagi niya.

Sa pagpapatuloy, “While others have their own PC units or lappies (laptops) in college, I had to wait until 2011, two years after I graduated, before I was able to purchase my own (second-hand pa). It was also only in 2020 when I finally learned driving and acquired a 4-wheel license.”

“Was I really that late? As I mature, I realized hindi naman pala talaga. Nakatingin lang kasi ako dati sa phasing ng buhay ng iba. But with mine, everything actually fell right in its proper timing. That’s the magic of knowing your priorities and focusing on them.”

Aniya, dumarating nang kusa ang mga bagay-bagay sa panahong walang presuure at walang hassle.

Public Domain Image

“Kapag kasi naalpasan mo na ang priorities mo, dumarating lang nang kusa ang mga ibang bagay-bagay sa panahon na wala nang pressure at wala nang hassle. Kaya kahit puno ng travel photos ng ibang tao ang timeline ko, kalmado lang ako. I taught myself to be happy for others. My heart is set on the right direction,” aniya.

Kaya paalala niya: “Don’t get pressured sa phasing ng ibang tao. Oras nila ‘yun. Yours will always be different. Hindi ka huli sa iba. Hindi ka mabagal. Sadyang magkakaiba lang tayo ng timing sa buhay.”

Tandaan: lahat tayo ay may sariling phasing! Kaniya-kaniyang ‘time to shine’, wika nga!

Source :

Facebook