Mommy blogger may payo sa mga working parents; magpahinga kung kinakailangan




Imahe mula sa Facebook page na Mommy Diaries PH
  • May paalala ang isang mommy blogger sa mga kagaya niyang working parents
  • Huwag daw kalilimutan ang break o pahinga
  • Mahalaga rin ang pangangalaga sa sarili upang may maibigay rin sa pamilya

“Hanapbuhay hindi hanap-patay.”

Iyan ang isa sa mga paalala ng mommy blogger na nasa likod ng Facebook page na “Mommy Diaries PH” para sa mga working parents, lalo na sa panahon ng pandemya.

Public Domain Image

“Bakit nga ba tayo may trabaho, negosyo o hanapbuhay? Para may maihain sa hapag-kainan, para sa kinabukasan ng ating pamilya, para makatulong, para maabot ang mga pangarap. Nagsisipag tayo sa trabaho, oo. Nagpapasalamat na may trabaho tayo lalo na sa panahon ngayon, oo. Pero hindi sa punto na physical at mental health na natin ay maaapektuhan,” giit ng mommy blogger.

Aniya, may mga katrabaho umano siyang nagkaroon ng iba’t ibang hamon hinggil sa mental health dahil sa stress sa trabaho. Mismong siya, naapektuhan na rin nito lalo’t may iniinda siyang hamon sa kaniyang pisikal na pangangatawan, na nasa proseso na ng pagpapagaling.

Ang punto po daw niya,  ipagpasalamat, pahalagahan, at magsipag sa mga trabaho subalit mag-break kung kinakailangan. Magpahinga.

Nagbigay siya ng isang paraan kung paano magiging balanse ang oras para sa trabaho, negosyo, at pamilya.

“Sa mga may negosyo o nagwo-work from home, maglaan lang ng ‘working hours.’ Halimbawa, after 6:00 PM ay hindi ka na magtatrabaho. Kailangan natin ng oras para sa sarili natin, at oras para sa pamilya natin. Balance lang,” aniya.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, lahat daw ng sobra nga ay hindi maganda.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“True po ‘yan. Kaya ako po na work-from-home, 5:00 Pm to 2:00 AM shift, pagka-out na pagka-out shutdown PC  po kaagad, kaunnting pahinga then tulog na po dahil paggising po ng 7:00 AM, may online class naman ang 7 and 9 years old kids ko po. May bunso pa akong 2 yrs. old and still, breastfeeding po. Kayang-kaya, Mommy!” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sobrang gaganda ng mga sharing ninyo po at nakaka-inspire din talaga. Spend time with your self, your family and kahit minsan sa friends din.”

“Nakaka-relate po ako diyan Mommy. Multi-tasking ang need. Sana ‘yung mga ksama natin sa bahay eh maintindihan din ‘yung sitwasyon natin at tulungan or alalayan din tayo sa mga gawain. Hindi rin madali ang WFH set up,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Working parents, students, o single ka man, laging isiping magpahinga at mag-relax naman!

Source :

Facebook