Milk tea shop may kakaibang Valentine’s Day promo




Imahe mula sa facebook page ng Nak Nam Fu-Cha milk tea shop
  • Agaw-eksena ang Valentine’s Day promo ng isang milk tea shop
  • Para umano ito sa mga “third wheel”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Marami ang nawindang sa kakaibang Valentine’s Day promo ng isang milk tea shop na matatagpuan sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa Pebrero 14, 2021, ang milk tea shop na “Nak Nam Fu-Cha” ay may “Buy 2 Take 1” promo na tinawag nilang “Treat Your Kabit” promo.

Imahe mula sa facebook page ng Nak Nam Fu-Cha milk tea shop

Ang salitang “kabit” ay maaaring hindi naman tumutukoy sa ibang karelasyon. Ito ay maaaring kasamang “third wheel” o sabit lamang. Nakisabay lamang sila sa pagdiriwang ng Valentine’s.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga pumuri sa marketing strategy nito dahil talaga namang piang-usapan.

“Kudos sa marketing nito! HAHAHAHAHAHA, another way to get viral!” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “Syempre kunwari lang ‘yan para makuha ang atensyon ng mga mamimili. Hindi mo naman isasama ang other significant person in your life kung kasama mo na ang original, ‘di ba? Saka hindi naman siguro literal ‘yan, huwag masyadong OA.”

“Huwag po masyadong gawing literal. Yung pangatlong kasama ang tinutukoy rito,” wika naman ng isa.

Sa kabilang banda, marami rin ang pumuna at tila sineryoso ito. Hindi raw dapat i-tolerate ang mga ganitong bagay, lalo’t parang nagiging tipikal na ito ngayon sa kulturang popular.

Imahe mula sa facebook page ng Nak Nam Fu-Cha milk tea shop

“Sounds funny at first, but I hope we stop tolerating this. Many relationships have gone down the drain because of a kabit, and have left lots of (traumatizing) collateral damage. Strategies like this really enable infidelity to be made a laughing matter, when it’s a serious issue that needs to be properly dealt with,” seryosong pahayag ng isa.

Wika naman ng isa, “This is not a good marketing campaign at all to earn money. And for the rest of you, it’s not something you treat lightly or to laugh about. Infidelity is a grave offense. I hope and pray you will not experience it.”

Ikaw, kakasa ka ba sa Valentine’s Day promo na ito?

Source :

Facebook, News5, MMV