Mala-“Bonsai Garden” sa itaas ng Bundok Madjaas sa lalawigan ng Antique labis na hinangaan




Imahe mula sa Facebook account ni Ompz Felicio
  • Hindi napigilan ng mga netizens na mapahanga sa isang nakakubling kariktan  sa itaas ng bundok sa Antique
  • Kung titingnan ang mga larawan, parang nasa “bonsai garden” ang mga mountaineers at hikers na naroon
  • Makikita rin ang ganda ng Ilog Bantang dito

Sadya ngang kahanga-hanga ang likha ng Panginoon dahil wala itong kapantay sa kariktan. Kaya naman ang pagsulyap sa kalikasan ang siyang magpapatunay nito.

Hinangaan ng mga netizens ang makapigil-hiningang kagandahan ng isang tila “Bonsai Garden” sa itaas ng Bundok Madjaas sa Culasi, Antique, na ibinahagi sa Facebook post ng mountaineer/hiker na nagngangalang “Ompz Felicio,” gayundin ang enchanting na ganda ng Ilog Bantang.

Imahe mula sa Facebook post ni Ompz Felicio

Kuhang-kuha sa mga larawan ng mountaineer ang kahali-halinang mga sanga ng puno sa paligid, gayundin ang mga luntiang damo sa pook na iyon.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Truly, God’s creation is amazing, must promote not compromise, because its purpose is to reveal HIS character and nature, as well as as to provide for humans and other creatures on earth now and in the future,” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “I hope it’ll remain untouched and sacred… those are enchanted looking trees… It must have been there for a very long time for sure. Simple yet a very quiet place to live in… rich mountains and beaches… Just an hour away from my beloved Boracay.”

“Sana kapag ganyan na parang undisturbed place ay huwag na lang puntahan para walang nagkakainteres na mga maninira ng nature. Hay, bukas-makalawa baka i-dedevelop na at gagawing exclusive na tourist destination,” sabi ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Ompz Felicio

Wika ng isa, “An ganda! Habang binabaybay ang ganda ni Kalikasan, hindi ko maiwasang mamangha! Napakaperpekto ng kulay ng mga puno’t kalangitan! Sa susunod na pagkakataon, nais ko sanang mahanap ang ganitong uri ng pahingahan. Kay sarap sigurong manahan sa ganitong klase ng lugar!”

Panawagan ng iba pang mga netizens, sana raw ay huwag namang masira ang kagandahan ng naturang lugar, lalo’t may mga hikers o mountaineers na tinutuklas ang ganda nito.

Samantala, kung nabitin ka sa ganda ng Madjaas sa mga larawan lamang, narito ang ibinahaging video ni Mosh Magbanua via YouTube. Mapapa-wow ka talaga!