Hanggang saan nga lamang ba kailangang umabot ang pagtulong?




Public Domain Image
  • Nagbigay ng inspiring tips ang isang Facebook page
  • Hinggil ito sa limitasyon ng pagtulong sa kapwa
  • Wala naman daw masamang tumulong sa kapwa, ngunit titiyaking hindi nagiging abusado ang isang tao

Alam nating lahat na ang pagiging matulungin sa kapwa ay isang napakagandang katangian,  lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan. Ngunit tatandaan din natin, ano mang sobra o labis ay nakasasama rin.

Kaya naman, ipinaliwanag ng blogger sa likod ng Facebook page na “Life of a Tita” na kailangan ding maghinay-hinay sa pagtulong, lalo na sa mga taong minsan ay lumalampas na sa limitasyon. Wala raw masama sa pagtulong subalit may limitasyon pa rin naman ito.

Public Domain Image

“Yan! Yan! Diyan nagiging mali sa mindset na ‘yan kaya may mga taong abusado. Ang akala nila, hindi natin sila kaya tiisin kaya, they will do everything para makuha PARATI ang gusto nila. Ayaw na magtrabaho, pahingi-hingi na lang, ginagawa tayong gatasan,” saad sa unahang talata.

“Walang masama tumulong. Mabait tayo eh, maawain, at malambot ang puso. Pero tandaan mo na una, kapag sumusobra na, hindi na tulong ang tawag dito, kundi, KUNSINTE na. Pangalawa, ang mga abusado, feeling nila aping-api sila kapag hindi napagbigyan. Strategy lang nila ‘yun to get into our head.”

“Pangatlo, may hangganan din ang lahat. Hindi sa lahat ng oras puwede silang saluhin. Bandang huli, tayo pa ang mapapahamak. Pang-apat, tumulong once, okay lang. Tumulong twice, thrice, at maraming beses okay lang. Pero kapag forever na silang nakasandal, at wala silang ginagawa para magbago, hindi na natin sila natuturuan ng leksyon.”

Public Domain Image

“Panlima, tiisin at maging matapang kung kinakailangan. Minsan sa buhay, kailangan naman natin ipagtanggol ang sarili natin. Pang-anim, pray for them and surrender them to the Lord. Kahit ilang beses pa tayo tumulong, kapag ayaw magbago, ayaw magbago. Stress lang ang kapalit. Pero si Lord, kayang-kaya Niya ‘yan.”

Ikaw, relate much ka ba?

Source :

Facebook