Dalawang alagang French bulldogs ni Lady Gaga naibalik na matapos nitong mag-tweet ng $500,000 reward




  • Naibalik na ang dalawang French bulldogs ni Lady Gaga sa Hollywood 
  • Nauna nang nag-post ng $500,000 reward ang singer sa sinumang makapagbabalik sa kaniyang mga alaga
  • Nasaktan din sa insidente ang kaniyang dog walker at ngayon ay nagpapagaling na

Mabilis na naibalik ang dalawang alagang aso ni Lady Gaga. Ang mga ito ay nai-turn over na sa mga awtoridad ilang oras lamang umano matapos mag-post ng panawagan ang popular na music icon sa social media pages nito. Reunitedna na sina Koji at Gustav sa mga representative ng pop singer, ayon sa kapulisan ng Los Angeles.

Image via Instagram ni Lady Gaga

Isang babae umano na hindi na pinangalanan ang nagdala kina Koji at Gustav sa isang LAPD station at ang mga ito’y agad na itinurn over sa mga representative ni Lady Gaga, ayon sa spokesman ng Los Angeles Police Department na si Officer Mike Lopez.

Nauna nang napaulat na nag-alok ng tumataginting na $500,000 (mahigit P24-M) ang sikat na pop singer-songwriter para matagpuan ang kaniyang dalawang alagang aso na ninakaw sa Hollywood  noong Miyerkules. Inihayag ito ni Lady Gaga sa kanyang Twitter at Instagram accounts.

Imahe mula sa Instagram ni Lady Gaga

Nangyari ang insidente noong Miyerkules ng gabi habang ipinapasyal ng dog walker ni Lady Gaga na si Ryan Fischer ang tatlong tinaguriang ‘Instafamous Frenchies’ ng singer. Si Lady Gaga ay sinasabing nasa Italy para sa kaniyang pelikulang ‘Gucci’ nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman sa ulat na nabaril si Fischer at iniwan itong walang malay sa lugar. Nawala naman ang dalawang French bulldogs na sina Koji at Gustavo noon mismo na pinaniniwalaang ninakaw ng dalawanmg suspek na responsable sa pangyayari.

Samantala, nakatakas naman umano ang asong si Miss Asia na kinalaunan ay nabawi ng bodyguard ni Lady Gaga mula sa Hollywood LAPD station.

Imahe mula sa Instagram ni Lady Gaga

Ayon naman sa ulat ng LAPD, dalawang lalaki ang pinaniniwalaang nasa likod ng insidente at tumakas raw ang mga ito sakay ng isang puting van.

Samantala, nadala naman kaagad sa pagamutan si Fischer at ngayon ay nagpapagaling na.

Labis ang pasasalamat dito ni Lady Gaga, “I continue to love you, Ryan Fischer, you risked your life to fight for our family. You’re forever a hero.”

Panoorin ang ibinahaging ulat ng GMA Network dito: