Brotherly advice: John Lloyd Cruz may “words of wisdom” para kay Joshua Garcia




Imahe mula sa opisyal na Facebook account ni John Lloyd Cruz / Joshua Garcia
  • Nagsama sa isang larawan sina John Lloyd Cruz at Joshua Garcia
  • May mensahe pala si Lloydie para kay Joshua
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens 

May “brotherly advice” at “words of wisdom” ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz para sa kapwa aktor na si Joshua Garcia na makikita sa Facebook post ng una, nitong Pebrero 25, 2021.

“One day, everything will fall into place just the way it should be. So until then, don’t focus too much on the confusion. Just focus on improvement and betterment,” saad ni JLC, na batay sa mga bali-balita ay unti-unti na ulit bumabalik sa showbiz, matapos ang kaniyang indefinite break.

Imahe mula sa opisyal na Facebook account ni John Lloyd Cruz / Joshua Garcia

Dagdag pa niya, “Create a great life for yourself!”

Maraming mga tagahanga at tagasubaybay ng dalawang mahusay na aktor ang natuwa sa naging pagsuporta ni JLC Kay Joshua, lalo’t sinasabing si Joshua ang “makabagong” John Lloyd Cruz dahil sa resemblance nila sa hitsura, at ilang estilo sa pag-arte.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“I was looking forward to this at sana magkasama kayo sa project. You are both great actors and I always see part of John Lloyd (especially acting) from Joshua,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Lloydie, you’re still the best actor. But for Joshua, continue to inspire and prosper more than you think because you’re like Lloydie and YOU ARE THE NEXT LLOYDIE OF YOUR GENERATION.”

“Though for me, walang papalit sa nag-iisang John Lloyd Cruz, si Joshua ang younger version ng Idol Lloydie when it comes to acting and in some ways of talking… sana magkasama na kayo sa isang project, and yeah, together with Alden Richards. Puwede kayong magkakapatid, sa totoo lang,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa opisyal na Facebook account ni John Lloyd Cruz / Joshua Garcia

Kamakailan lamang ay muling pinag-usapan si Joshua at ang dating karelasyon at katambal na si Julia Barretto dahil sa music video nila ng hit song na “Paubaya” ni Moira Dela Torre kung saan ito raw ang nagsilbing closure nila.

Samantala, hiwalay na sina John Lloyd Criuz at Ellen Adarna, na ngayon naman ay nauugnay sa aktor na si Derek Ramsay dahil sa mga social media posts nila na laging magkasama.