Apelyido ng ina maaari nang gamitin ng mga lehitimong anak




Public Domain Image
  • May magandang balita para sa mga lehitimong anak na nagnanais na gamitin ang apelyido ng kanilang mga ina
  • Batay sa Korte Suprema, maaari at posible na itong mangyari
  • Iyan ang nangyari sa isang petitioner na nagnais na magamit ang apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang inang hiwalay na sa kaniyang ama, na matagal na niyang hindi nakikita 

Maaari nang gamitin ng mga lehitimong anak ang apelyido o maiden name ng kanilang mga ina, batay sa pinakabagong desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas o Supreme Court of the Philippines, nitong Miyerkules, Pebrero 24, 2021.

Ang desisyon na may 15 pahina ay inakda ni Associate Justice Marvic Leonen. Salig ito sa “case of Alanis vs. Court of Appeals.” matapos maghain ng petisyon si Alanis sa Regional Trial Court ng Zamboanga City, Branch 12, upang mapalitan ang kaniyang apelyido.

Public Domain Image

“Courts, like all other government departments and agencies, must ensure the fundamental equality of women and men before the law. Accordingly, where the text of a law allows for an interpretation that treats women and men more equally, that is the correct interpretation,” saad ng Korte Suprema.

Ang petitioner ay anak nina Mario Alanis y Cimafranca at Jamilla Imelda Ballaho y Al-Raschid, at ang kaniyang pangalan sa birth certificate ay “Anacleto Ballaho Alanis III.” Naghiwalay umano ang kaniyang mga magulang noong siya ay limang taong gulang pa lamang.

Kaya naman, nais niya raw gamitin ang apelyido ng kaniyang ina na “Ballaho.” Bukod dito, nais din daw niyang baguhin ang kaniyang pangalang “Anacleto” sa  “Abdulhamid.”

“The trial court’s reasoning further encoded patriarchy into our system. If a surname is significant for identifying a person’s ancestry, interpreting the laws to mean that a marital child’s surname must identify only the paternal line renders the mother and her family invisible. This, in tum, entrenches the patriarchy and with it, antiquated gender roles: the father, as dominant, in public; and the mother, as a supporter, in private,” paliwanag pa ng Korte Suprema.

Public Domain Image

Samantala, ang naging desisyon umano ng Regional Trial Court (RTC) na naunang nagbigay ng hatol ay nakabatay sa Republic Act 386 Article 364 na nagsasaad na “Legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.”