Ai-Ai Delas Alas may payo sa mga single: Huwag mawawalan ng pag-asa




Imahe mula sa Instagram account ni Ai-Ai Delas Alas / Public Domain Image
  • Nahingan ng payo si Ai-Ai Delas Alas para sa mga single
  • Saad niya, huwag mawalan ng pag-asa
  • Siya raw ay isang buhay na patotoo dahil sino nga naman daw ang mag-aakalang ikakasal pa siya sa pangatlong pagkakataon

“Huwag kayong mawalan ng pag-asa!”

Iyan ang payo ng Kapuso Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas para sa mga single na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala at nakakaharap ang “Mr/Ms. Right” nila. Makikita sa kaniyang Instagram post ang kaniyang mensahe, at patotoong darating din ang tamang tao, lalo’t sino nga naman daw ang mag-aakalang sa edad niya nagyon ay makapag-aasawa pa ulit siya? Subalit iyan daw mismo ang sinabi sa kaniya ng anak na si Sancho.

Imahe mula sa Instagram account ni Ai-Ai Delas Alas / Public Domain Image

“Naalala ko tuloy dumating ako sa point na sabi ko sa sarili ko, ayoko na talaga magmahal—alagaan ko na lang kayo sabi ko sa mga anak ko, sabi nila naalagaan mo na kami Mommy, malalaki na kaming lahat,  sarili mo naman ang isipin mo at ito ang tumatak na sinabi ni Sancho sa akin,  ‘HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA ‘MA, MAY DARATING AT DARATING SA ‘YO NA TALAGANG IBINIGAY PARA SA ‘YO,” saad ni Ai-Ai.

Sa pagpapatuloy, “Sa isip-isip ko, meron pa ba ? Aba meron nga, so tama ang anak ko, huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, hintay-hintay lang tayo sa gift ni Lord! Maligayang araw ng mga puso.”

Iyan din ang sinabi niya sa vritual press conference para sa kaniyang upcoming rom-com series na “Owe My Love” noong Biyernes, Pebrero 12, 2021. Matatandaang 30 taon ang agwat ng edad nila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan. Ang kanilang sitwasyon ay kilala sa tawag na “May-December Affair.”

“Sino namang mag-aakala na makakapag-asawa pa ako? Nakita n’yo naman asawa ko, bagets! So hintay-hintayin ninyo pa rin, baka naman hindi pa ipinapanganak ‘yung magiging jowa niyno,” biro niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Ai-Ai Delas Alas / Public Domain Image

Naging magkasintahan sina Ai-Ai at Gerald noong 2014 at ikinasal noong 2017. Si Gerald na ang kaniyang pangatlong napangasawa.