“A Pikot Love Story”: Malikhaing prenuptial photoshoot na may nakapaloob na kuwento kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page ng Artine Photography
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang kakaibang prenuptial photoshoot
  • Hindi lamang ito basta pictorial pagkat may nakapaloob kasing likhang kuwento rito
  • Tinatawag itong “photo story”

Kaliwa’t kanang mga kakaibang prenuptial photoshoot ang pinag-usapan ng mga netizens sa pagpasok pa lamang ng 2021, dahil kung agawan ng eksena ang labanan, talaga namang iba-iba ang nagiging konsepto ng mga engaged couple pagdating sa kanilang prenuptial photoshoot,  bago ang aktuwal na seremonya.

Sa pagpasok ng buwan ng Feb-ibig, kinaaliwan ng mga netizens ang “prenuptial photo story” ng magkasintahang sina Ivan Paul Ponayo at Kim Roldan mula sa Camarines Norte, na ikakasal sa araw mismo ng mga puso o Valentine’s Day.

Imahe mula sa Facebook page ng Artine Photography

Hindi kagaya ng ibang prenuptial photoshoot, nilagyan nila ng likhang-isip subalit nakakakilig na kuwento ang bawat larawan sa kanilang pictorial.

Ibinahagi ito sa Facebook page ng kanilang official photography team na “Artine Photography.”

Sa kanilang prenuptial photoshoot, si Ivan ay isang tindero ng balut at penoy habang si Kim naman ay mayamang dalaga, na tinamaan agad ng pana ni Kupido nang masilayan ang “kaguwapuhan” ng magbabalot. Hanggang sa doon na umikot ang kuwento.

“BABALA! Ito ay ang pagsasalarawan ng tahasang paglabag sa karapatang pantao ng mga kalalakihan. Halina’t sabay-sabay nating tunghayan ang kuwentong nawa ay magbigay-daan upang mabuksan ang mata ng lipunan laban sa pananamantala sa kahinaan ng kalalakihan,” caption ng post.

Bawat larawan sa naturang post ay nilagyan ng caption upang mabuo ang kuwento. Umabot sa mahigit 20 ang mga larawan, na maituturing na isang “photo story.”

Imahe mula sa Facebook page ng Artine Photography

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Very clever  at ang witty ng concept. Galing! Congrats sa whole prods, and congrats and best wishes for the couple!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Cute concept ng prenup photoshoot ninyo! Congrats in advance! Each love story talaga has its own flavor and spice…which is really needed to tell and give inspiration to others.”

“I love how it was created to reach equality for every individuals who seek love and attention. No matter what your life status is, there will always be that one person who will love you for who you truly are! Congrats and best wishes to the both of you!” wika naman ng isa.

Ang ending ng kuwento, ‘pinikot’ ng mayamang babae ang hamak na tindero ng balut at penoy, hanggang sa sila ay nagpasyang magpakasal.

Imahe mula sa Facebook page ng Artine Photography

Congrats in advance, Ivan at Kim!

Source :

Facebook, News 5