Teddy Casiño nanawagan sa publiko na maging ‘choosy’ sa pagboto




Public Domain Image
  • May pahayag si Teddy Casiño para sa mga botante
  • Maging choosy raw o pihikan sa mga iboboto sa darating na halalan sa 2022
  • Pagkatapos ito ng pahayag naman ni Harry Roque hinggil sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine

Nanawagan si dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño na maging mapanuri at mapili o “choosy” ang mga botanteng Pilipino sa kanilang mga iluluklok sa puwesto sa darating na Halalan 2022, matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na huwag maging pihikan sa brand ng bakuna para sa COVID-19.

“Sa susunod na eleksyon, dapat mas choosy tayo,” saad ni Casiño sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Teddy Casiño

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Yes we are and we should! We will wipe out again to inidoros all other kabaros! It’ll be a history, again!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes tama naman! Le us vote wisely. Kailangan ma-educate ang mga Pilipino na maging mas wais sa kanilang mga iboboto. Kailangan natin ng great leaders na makakapag-inspire sa atin!”

“Sure, oo naman, so wala na po kayo sa listahan namin. Doon lang po kami sa mga totoong partido,” pahayag naman ng isa.

Matatandaang sinabi ni Roque na hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, Sinabi rin niya na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan, subalit hindi maaaring maging pihikan ang mga babakunahan.

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” saad ni Roque. Sinabi pa ni Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.”

Kailangan umanong lumagda sa isang waiver ang ayaw magpaturok lalo na kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na tuturukan.