Robi Domingo kinausap ang pamilya ni Russu Laurente matapos ang eviction sa PBB House




Public Domain Image
  • May makahulugang Facebook post ang PBB Connect host na si Robi Domingo
  • Kaugnay ito ng isyu hinggil sa isang housemate na si Russu Laurente na aminadong sumuporta sa #YesToABSCBNShutdown subalit nag-audition sa naturang reality show
  • Kinausap nito ang pamilya ni Russu, lalo na ang kuya nito, na humingi ng tawad sa kanilang pagsuporta noon sa panawagang huwag bigyan ng prangkisa ang network

Na-evict na nga mula sa Pinoy Big Brother House ang kontrobersiyal na housemate na si Russu Laurente, 19 na taong gulang, na aminadong sinuportahan ang “#YesToABSCBNShutdown sa kasagsagan ng pakikipaglaban ng network sa franchise renewal nito noong 2020, na hindi naman napagbigyan.

Kaya naman, matapos nito ay nagkaroon ng Facebook post ang isa sa mga hosts nito na si Robi Domingo, na nagsasaad na may paggalang siya kay Russu sa kababaang-loob nito, gayundin sa pamilya nito.

Public Domain Image

“Before I sleep tonight, I just want to give my utmost respect to the family of Russu, most especially to his kuya whom I got to talk to,” saad ni Robi.

Bagama’t hindi tinukoy, inamin ng tv host na may “mali sa kanilang sistema” subalit ito ay oportunidad upang matuto sa isa’t isa at mapaunlad pa ito.

“We have to admit that something is wrong with the system… but it also gives us that opportunity to learn from each other and grow,” aniya.

Dagdag pa niya, “Remember, there is always hope in humanity.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Saad ng isa, “Indeed, You are always my idol… keep continue of what you are doing, keep on inspiring us. God Bless you. Robi!”

“Wala kasing humanity sa loob ng Kapamilya Network. Sana sa umpisa pa lang hindi n’yo na pinapasok sa Bahay ni Kuya kung big deal pala sa inyo yung sarili niyang pananaw sa pagpapasara sa network. Parang ipinakita n’yo lang na layunin n’yo ay ipahiya yung tao on National TV,” opinyon naman ng isa.

Imahe mula sa Twitter account ni Russu Laurente

Turan naman ng isa, “It’s time to forgive Russu, but we’ll never forget what he did. Good luck.”

Sa isa sa mga episode ng PBB Connect, inamin ni Russu sa kaniyang “confession” kay Big Brother, na sinuportahan niya ang shut down ng Kapamilya Netowrk, subalit aminado siyang nagpadalos-dalos siya at hindi niya lubusang alam ang puno’t dulo ng lahat.

Ang PBB Connect ay ang 15th edition ng naturang local franchise simula 2005. Mapapanood ito sa pamamagitan ng  free and digital TV (A2Z Channel 11), cable (Kapamilya Channel), live streaming (Kapamilya Online Live, Kumu), at on-demand streaming (iWant TFC).