Prenup photoshoot ng engaged couple tampok ang Bagong Maynila




Imahe mula sa Facebook page ng Alvin Balais Photography
  • Hinangaan ng mga netizens ang prenuptial photoshoot ng isang engaged couple
  • Kuha ito sa bagong linis at bihis na Maynila
  • Layunin daw nilang maipakita ang mga pagbabago sa lungsod

Usong-uso ngayon ang pagbabahagi ng mga prenuptial photoshoot ng mga magsing-irog na nagbabalak na lumagay sa tahimik at bumuo ng kanilang sariling pamilya; pagpapakita na walang makapipigil sa mga pusong nagmamahalan upang magsama at yumabong pa.

Kaya naman, kinakiligan ang prenuptial photos ng engaged couple na sina Melvin at Kristine na nagtatampok sa “Bagong Maynila,” na ibinahagi sa Facebook page ng kanilang opisyal na photographer na “Alvin Balais Photography.”

Imahe mula sa Facebook page ng Alvin Balais Photography

“Ang Bagong Maynila Pre-Wedding. Congratulations sa aking kaibigan at kasama dati sa mga outdoor activities lalo na sa mga pamumundok noong hindi pa kami ganoon ka-busy na si sir Melvin at sa mapapangasawa niya soon na si Kristine na napakaganda,” saad ng photographer.

Ibinahagi niya ang isang album na nagpapakita ng mga kuha niyang larawan sa kaibigang engaged couple.

“Gusto naming ipakita kung gaano na kaganda ang Bagong Maynila, marami nang nagbago at bagong mga atraksyon, mas malinis na ito ngayon,” saad niya.

Ilan sa mga itinampok sa naturang mga larawan ang Manila City Hall, National Museum, Lagusnilad at Lagusnilad Underpass, Manila Postal Office, at Jones Bridge. Nanawagan din sila kay Yorme Isko Moreno na sana naman ay mapansin ang kanilang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow! Ang ganda na talaga sa Maynila. Puwedeng-puwede nang ipagmalaki kasi maayos na. Thank you Mayor Isko for your actions na hindi nagawa ng mga naunang umupong mayor ng Maynila,” saad ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ng Alvin Balais Photography

Turan naman ng isa, “Sabi nga, Cleanliness is next to Godliness. Tama lang na magsimula muna sa basic things like cleanliness and neatness,a nd everything will follow. Congrats, Yorme! Bagong bihis na talaga ang Maynila na ating kabisera!”

“Very classy prenuptial photos! Makaysaysayan ang Maynila kaya maganda talagang magpakuha ng photos diyan!” pahayag naman ng isa.

Disclaimer ni Balais, sinunod nila ang precautionary measures at health protocols nang ginawa nila ang photoshoot upang matiyak na ligtas ang kanilang kliyente at mga staff niya laban sa COVID-19.

Pagbati kina Melvin at Kristine!

Source :

Facebook