Palestinian na may kakaibang kondisyon sasabak sa karate




Public Domain Image
  • Nagdulot ng inspirasyon ang isang Palestinian
  • Wala siyang mga bisig at binti nang siya ay isinilang
  • Sa kabila nito, siya ay orange belter sa karate at nagtapos ng kursong Law

Sabi nga, hindi hadlang ang kondisyon o kalagayan ng isang tao upang makamit niya ang kaniyang mga kagustuhan at ambisyon. Iba pa rin talaga ang nagagawa ng isang taong pursigido at handang suungin ang lahat para sa katuparan ng kaniyang mga pangarap.

Kagaya na lamang isang Palestinian na nagngangalang “Youssef Abu Amira,” 24 na taong gulang, na sa kabila ng kawalan niya ng mga tipikal na bisig at binti, ay patuloy na nag-eensayo sa isport na karate sa Al-Mashtal Club for Martial Arts, sa Gaza City.

Public Domain Image

Hindi naging hadlang ang kondisyon ni Amira upang makamit niya ang mga bagay na nagagawa rin ng mga taong may kompletong mga bisig at binti. Sa katunayan, may orange belt na siya sa karate. Ipinagkakaloob ang orange belt sa mga estudyante ng karate na nag-aaral ng basic at fundamental skills sa martal arts na ito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at koemnto mula sa mga netizens.

“Yung iba dyan kompleto nga sa parte ng katawan, kinulang naman sa respeto. Huwag po natin siyang pagtawanan. isa po siyang inspirasyon sa ating lahat,” turan ng isa.

Saad naman ng isa, “You are an inspiration to those who think that their physical limitations defines them.”

“Yung mga nag-react ng laugh at nangungutya sa taong ito sa mga comments, wala pa kayo sa kalahati ng lakas ng loob at katapangan ng taong ito. Martial arts is not about kicking and punching. It is all about principles, discipline, and tradition. Saludo ako sa’yo kapatid sa disiplina,” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Bukod sa pagkakarate, kamangha-mangha rin ang educational background ni Amira dahil isa siyang law graduate. Natapos niya ang kursong Law sa Islamic University of Gaza’s College of Sharia and Law noong 2020. Napakahusay niya, hindi ba?

Kung nais mong mamalas ang kanyang mga kakayahan, bumisita sa kanyang YouTube Channel: