Netizen may mensahe sa mga kapwa online sellers




Imahe mula sa Facebook post ni Namieh Oya . Public Domain Image
  • May paalala ang isang netizen sa kaniyang mga kapwa online sellers
  • Huwag raw intindihin ang mga “kaibigan” at “kakilalang” naiirita na sa bawat post ng itinitindang produkto
  • Dito raw makikita kung sino ang mga taong nakasuporta sa iyo

Bago pa man mangyari ang pandemya sa buong daigdig, patok na patok na ang mga gawaing online, lalo na ang online selling at buying/shopping. Iba kasi ang dulot na convenience nito sa mga tao; para sa mga online sellers, mas madali ang pagbebenta o pagpo-promote ng mga produktong itinitinda.

Kaya naman, hindi raw dapat ikahiya ang pagiging isang online seller, ayon sa isang netizen na nagngangalang “Namieh Oya.” Ayon sa kaniyang Facebook post, marami ka raw mararanasan kapag online seller ka: isa na rito ang “ma-unfriend” ng mga kaibigan.

Imahe mula sa Facebook post ni Namieh Oya

“Tanggapin mo na kapag online seller ka, i-a-unfriend ka o i-a-unfollow ng mga taong naiirita sa kada post mo ng produkto mo kahit na sa paningin mo pa sila ay kaibigan mo o kakilala,” aniya.

“Tanggapin mo na, hindi sila interesado sa ‘yo, kaya kahit support ‘di mo sila makikitaan. Pero okay lang ‘yun, kasi ang aim mo naman ay kumita. Gawin mo lang yung ginagawa mo, huwag ka ma-hurt kung unti-unti nawawala sila, mas bigyan mo ng pansin yung mga clients mo, kasi doon kikita ka na nga, yung iba pa diyan magiging totoong kaibigan mo pa. Maraming mababait na clients!” paliwanag pa niya.

Pagkakataon din ito upang makilala pa ang mga taong mag-aangat sa iyo, o hihila pababa, kagaya ng mga talangka. Kilala pa naman ang ilang mga Pilipino sa kaugaliang “crab mentality.”

“Kilalanin mo din yung mga taong nariyan at nakasuporta habang wala ka pang nararating, at huwag mo silang kalilimutan sa iyong pag-angat. I-priority mo yung makakapag-improve sa ‘yo, at matutong dedmahin yung mga sakit at stress lang ang idudulot sayo. FOCUS!” aniya.

Imahe mula sa Facebook post ni Namieh Oya/Public Domain Image

Dagdag pa niya, “No drama. 2021 has just begun, tara post pa more!”

Ikaw, handa ka na bang pasukin ang online selling? Wala namang masama, hindi ba?

Source :

Facebook