Mga netizens naintriga kung sino ang kasama ni Julia Barretto sa pinakabagong IG post




Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto / Public Domain Image
  • May bagong “baby” si Julia Barretto
  • Ito ay isang St. Bernard dog
  • Bukod dito, ang higit na pinag-usapan ng mga netizens ay ang kasama niyang lalaki sa larawan, na braso lamang ang pinasilip

“Bagong taon, bagong baby.”

Sa pagpasok ng 2021, ipinasilip ng kontrobersyal na aktres na si Julia Barretto ang pinakabago niyang “baby” sa kaniyang Instagram post, walang iba kundi isang fur baby o pet dog na St. Bernard.

Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto

“New baby St. Bernard,” simpleng caption ni Julia sa kaniyang IG post.

Subalit bukod sa bagong pet dog, naintriga ang mga netizens sa nakita nilang “mabuhok” na braso ng isang lalaki na napasilip sa larawan, at kasama niya sa loob ng kotse. Marami ang nagbigay ng kanilang espekulasyon kung sino nga ba ito. Tanong ng marami: “Who’s that guy?”

Narito ang ilan sa mga reaksyon at espekulasyon ng mga netizens kung sino nga ba ang lalaking kasama ni Julia sa kaniyang larawan.

“Naku, mabuhok ang braso at kulay-kayumanggi, malamang kay Gerald Anderson iyan?” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Sus, wala nang dapat pang pagtalunan, kay G.A. ‘yan. Saka kung siya man, wala naman sigurong masama. Pareho silang single. Tahimik na rin yung mga taong karelasyon nila before, so bakit kailangang bigyan ng malisya? Let them live their lives, mga pakialamera!”

“New baby and new daddy? It’s okay. I love you both!” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Wika naman ng isa, “Hmmm, parang pamilyar yung braso and hubog ng biceps? Alam na… eh di yung nauugnay sa kaniya. Pero anoman ang gawin nila, who cares? Masyado kayong mga bitter. Hayaan ninyo sila, they are two consenting adults.”

Marami ang nagsasabing ang naturang lalaki nay walang iba kundi ang aktor na si Gerald Anderson subalit wala namang kompirmasyon sa kanilang dalawa ni Julia.

Nagsimulang maiugnay ang dalawa sa isa’t isa matapos magtambal sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019 sa direksyon ni John Paul Laxamana, sa ilalim ng Star Cinema. Wala namang kompirmasyon sa kanilang dalawa kung totoo ba ang mga bali-balitang may relasyon na sila.