Larawan ng asong may hollow blocks kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Dog Lovers Philippines
  • Kinaaliwan ang larawan ng isang aso
  • May ‘bitbit’ kasi siyang malaking hollow blocks sa halip na buto o pagkain
  • Nagbigay naman ng nakatutuwang reaksyon at komento ang mga netizens hinggil dito 

Itinuturing na “man’s bestfriend” ang mga alagang aso o pet dogs. Kapag naipadama sa kanila ang pag-aaruga at pagmamahal, tiyak na susuklian nila ito ng paglalambing, na talaga namang nakapagpapawala ng mga negatibong damdamin at pakiramdam. Sabi nga, ang pag-aalaga ng aso, pusa, o kahit na anomang pets ay parang pag-aalaga rin ng anak. Kaya nga tinatawag ang mga taong nag-aalaga nito na “fur parents.”

Kaya naman sa Facebook page na “DOG LOVERS PHILIPPINES,” nagbunsod ng katatawanan ang karawan ng isang aso na may ‘bitbit’ na malaking hollow blocks sa kanyang bibig, sa halip na buto ng baboy o anomang pagkaing posible niyang mangata o mapapak. Ibinahagi ito sa Facebook post ni Juneth Bognot.

Imahe mula sa Facebook page na Dog Lovers Philippines

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Lagot ang mga magnanakaw o akyat-bahay, may bantay na kayang-kayang mangagat ng buong buto o kaya naman hulugan lang ng hollow blocks,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nag-upgrade na siya,  nginangatngat ang hollow blocks, kaya huwag na kayo magtaka, sa susunod, siguradong butas na yung pader ninyo.”

“Naku lagot ang mga tsismosa sa tapat ng bahay ninyo, sa laki ba naman ng mahuhulog, mawawalan sila ng ulirat kapag natamaan ang mga ulo nila hahahaha,” wika naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Bakit ganoon? Paano nasubo ng aso yung ganiyang kalaking hollow blocks? Baka naman gutom na gutom yung aso at hindi napapakain hahaha. O baka naman ang tingin niya sa hollow blocks ay malaking-malaking buto kasi halos pareho ng kulay at parehong matigas.”

“Magkano labor nito? Mukhang mahal magpagawa ng bahay sa kaniya. Construction worker na raw siya hahaha,” pabirong sabi naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Dog Lovers Philippines

Kinaaliwan din ng mga netizens ang umano’y “look out” na kasamang aso nito sa isa pang larawan. Wala naman daw napahamak na aso o tao kaya walang dapat ikabahala ang lahat.

Good vibes, ‘di ba?

Source :

Facebook