#JamesReidTransformationChallenge kinaaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Suad Alisabre
  • May bagong challenge sa social media na kinaaliwan ngayon na kaugnay sa new look ng singer-actor at heartthrob na si James Reid
  • Ito ay ang #JamesReidTransformationChallenge 
  • Nauna na rito ang #JamesReidFrontCamChallenge

Kinatutuwaan ng mga netizens ang pinakabagong challenge ngayon para naman sa kalalakihan: ang #JamesReidFrontCamPostChallenge kung saan ginagawa nila ang new look ng heartthrob na si James Reid na hanggang batok na ang buhok o tinatawag na “Quarantine look.”

Subalit kung ang COVID-19 ay may bagong variant o strain, gayundin ang nangyari sa “JamesDemic.”

Agad na nauso naman ang #JamesReidTransformationChallenge kung saan ginamit mismo ang trending video ni James Reid upang ipakita ang quick transformation sa mga nagnanais na tumapat sa kaguwapuhan nito. Kagaya na lamang sa Facebook post ni Sebastien Eric Ranchez na isa sa mga netizen na “kumasa” at naglakas-loob na gawin ito sa TikTok.

Iclick ang imahe para sa video / Facebook Sebastien Eric Ranchez

Marami ang nakapansing mga netizens na bagay na bagay kay James ang kaniyang bagong hairstyle, kaya naman, sinikap siyang gayahin ng mga lalaking netizens na may long hair din. Ang ginagaya nilang look nito ay mula sa screen grab photo ng video ni James sa kaniyang Instagram post nang sila ay magsagawa ng trekking, kasama si Nadine Lustre at ilan pang mga kaibigan.

Isang netizen at tagahanga ni James Reid na nagngangalang “Suad Alisabre” ang gumawa ng compilation ng mga lalaking netizens na nag-post ng kanilang mga selfies mala-James Reid. Tinawag niya itong “#JamesDemic.”

“At kasalukuyan nga pong nagkakaroon ngayon ng #Jamesdemic sa Pilipinas, ito ay isang uri ng sakit na nagiging kamukha mo si James Reid Hahahahaha. Magpapahuli pa ba kayo? Send your entry pampa-good vibes,” saad sa kaniyang caption.

Karamihan sa kanilang mga selfie photo ay may caption na “Huwag kayong malilito.” May ilang mga netizens na kumasa sa challenge na talaga namang pinusuan ng mga kapwa netizens dahil “lumalapit” daw sa hitsura ng naturang singer-actor.

Samantala, may ilan namang “naglakas-loob” talagang tapatan ang kaguwauhan ng aktor, na talagang nagdulot ng good vibes.

Imahe mula sa Facebook account ni Suad Alisabre

Ikaw, kakasa ka ba sa #JamesReidTransformationChallenge?