“Hi World, it’s time”: Janella Salvador, Markus Paterson may pasilip na larawan kasama ang isang sanggol




Imahe mula sa Instagram accounts nina Janella Salvador at Markus Paterson
  • Ipinasilip ni Janella Salvador ang kaniyang larawan kasama ang isang sanggol
  • May pasilip din na larawan ang kaniyang boyfriend na si Markus Paterson
  • Total revelation ang makikita sa “link in bio”

May teaser din ngayong Bagong Taon ang aktres na si Janella Salvador matapos ipakita sa kaniyang social media platforms ang larawan kasama ang isang sanggol habang hinahalikan ito sa pisngi.

Makahulugan din ang naging caption ni Janella sa larawan kaya lalong pinag-usapan ng mga netizens. Ang posts niya ay ginawa nitong Enero 5, 2021.

Imahe mula sa Twitter account ni Janella Salvador

“Hi world, it’s time. 8 PM. Link in bio,” saad niya. Batay naman sa Instagram account ni Janella, marami sa mga kaibigan at kasamahan niya sa showbiz gaya nina Alex Gonzaga, Sue Ramirez, Sofia Andres, Michelle Vito, Kathryn Bernardo, at marami pang iba ang nagpaabot ng pagbati sa kaniya — at tinawag pa siyang “Mama.”

Marami sa mga netizens ang nagsabing ang naturang sanggol ay ang sinasabing anak nila ng Kapamilya actor at boyfriend na si Markus Paterson, matapos umugong ang espekulasyong na nagtungo sa America si Janella noong Setyembre 2020. Sa parehong buwan din naging lantad sa publiko ang kanilang relasyon.

Samantala, sa Instagram post naman ni Markus, makikita rin ang larawan ng isang daliri ng adult, na ipinagpapalagay na kay Markus, na sinasalat ang kamay ng isang sanggol.

Ang caption naman ay katulad din kay Janella, kaya lalong lumakas ang hinala ng lahat, na handa na nilang kimpirmahin ang mga alingasngas ng pagkakaroon nila ng anak.

Imahe mula sa Instagram account ni Markus Paterson

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Read between the lines, ‘ika nga. That baby is a blessing. Congratulations sa inyong dalawa,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Blessing sa buhay ang baby. Nagpunta siya sa America para ilayo ang sarili at ang baby sa mapanirang mga mata, kaysa naman pumunta ng America para ipalaglag. At wala siyang obligasyon kanino man para magpaliwanag.”

“Di ninyo ba alam yung privacy? So what kung tinatago niya? Maybe she’s just protecting her baby from the world she’s living in. Ayaw niya siguro na i-public baby niya. Public figure na nga siya so dapat pati baby niya? Hindi niya lang sinabi in ‘public’ na nagka-baby siya, hindi na siya proud Mom?” saad naman ng isa.

Samantala, kung sinunod mo ang “link in bio” sa kanilang caption, tiyak na dito ka makararating. Yes, total revelation video nila!