Handa ka na bang i-level up ang “ipon challenge” sa “negosyo challenge?”




Public Domain Image
  • May bagong challenge daw ngayong 2021
  • Sa halip na ipon challenge daw, i-level up na raw dapat sa negosyo challenge
  • Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksyon at komento rito ang mga netizens

Maraming naituro ang 2020 sa lahat ng mga tao. Isa na rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ipong pera, na magagamit sa panahon ng matinding pangangailangan. Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng trabaho o mapagkakakitaan. Talagang sinubok ng COVID-19 pandemic ang paghihigpit ng sinturon ng lahat.

Sa Facebook page na “CFO PESO SENSE,” marami ang nagbahagi ng kanilang mga “Ipon Challenge” na halos lahat naman ay naging matagumpay. Subalit sa pagpasok ng 2021, handa na nga ba ang lahat na i-level up ito sa “Negosyo Challenge?”

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

“Yung mga 2020 IPON CHALLENGE ninyo i-level up ninyo na at gawin ninyong NEGOSYO CHALLENGE,” saad sa post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento ng mga netizens.

“It’s because my house is already done. Yes I’m trying or pushing myself to have a bakery this 2021. Praying and hoping,” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo tama dapat negosyo at least negosyante na yung mga Pilipino, tapos we will hire employee na ibang race, like nangyayari sa mga Pilipino. Mangyayari kaya iyon? Kailan kaya mangyayari na tayo namang mga Pilipino ang magiging boss ng malalaking kompanya?”

“Kami po ni hubby, what we do is forced savings. May bahay, sasakyan, business, condo, paupahan and properties. Kaya no choice ka kundi magbayad kada buwan.Walang tinatago na pera sa loob puro nasa labas. Enough lang for needs,” pagbabahagi naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Yes! I agree! Our first ipon challenge ay pinamuhunan namin sa negosyo, we have our online business, which is malaking tulong sa ipon challenge namin. Our second ipon challenge, bibili na kami ng sarili naming bahay, maliit lang pero ang mahalaga, hindi na magrerenta! Thank you Lord!”

Public Domain Image

Ikaw, handa ka na bang kumasa sa “negosyo challenge” ngayong 2021?

Source :

Facebook