Blogger may mensahe para sa breastfeeding moms




Imahe mula sa Facebook page na Mommy Diaries PH / Public Domain Image
  • Paano nga ba sasagutin ang mga tipikal na tanong ng mga breastfeeding moms?
  • Iyan ang ibinahagi sa isang Facebook page para sa mga momshies
  • Mahalaga ito para sa development stage ng mga sanggol

Mahalaga ang breastfeeding para sa mga sanggol upang makuha ang sapat na sustansiyang kailangan nila upang makatulong sa maayos nilang paglaki. Subalit kailan nga ba maaaring tumigil ang isang breastfeeding mom sa kaniyang mga anak?

Kaya naman, may payo ang blogger ng Facebook page na “Mommy Diaries PH” para sa mga moms kaugnay dito. Matiyaga niyang ibinahagi ang kaniyang posibleng sagot sa mga karaniwang tanong na 4 years at directly breastfed pa rin?Baka kaya payat ang anak mo?, Anong sikreto at may gatas ka pa rin?Di ka pa rin sumusuko?, at Naku magiging clingy ”yan masyado.

Imahe mula sa Facebook page na Mommy Diaries PH / Public Domain Image

Para sa tanong na 4 years at directly breastfed pa rin?, ang isasagot daw niya ay “Opo breastfed pa rin po siya. 4 years old na po siya. Hindi siya marunong uminom sa bote o baso ng gatas hehe.”

Para naman sa Baka kaya payat ang anak mo?, “Nasa built lang po siguro talaga ng katawan ng anak ko. Hindi po nawawala ang sustansya ng gatas ng isang ina kahit na ilang taon na ang bata. Petite lang po talaga ang anak ko. Pero malakas siya kumain. Very active at healthy.”

Kaugnay naman ng tanong na Anong sikreto at may gatas ka pa din? isasagot daw niya ang post ng kaniyang kaibigang si Ms. Venus Pena na ang pagpapa-breastfeed ay 90% commitment at 10% milk. Napatunayan naman daw niyang tama ito.

Oras, pagod at puyat ang ginugugol para maipagpatuloy ito. Malaking tulong din umano ang mabuting support system. At s’yempre mahalaga rin daw ang pagkain ng masustansya, pag-inom ng fluids at pag-aalaga at pagmamahal sa sarili para makapag-produce ng maraming gatas.

Public Domain Image

Kaugnay naman ng tanong na Di ka pa rin sumusuko?, isasagot daw niya na “Sa totoo lang po, may mga times na sumasagi na sa isip ko na sumuko. Kasi nananakit na rin likod ko (lalo na at may scoliosis ako hehe) pero palagi ko pong iniisip kung ano ba ang rason para magpatuloy pa ako. At iyon po, push pa rin nang push.”

Para naman sa pahayag na Naku magiging clingy yan masyado na pumapatungkol sa anak, “Opo sobrang clingy niya pero para sa amin, okay lang po kasi baka bukas makalawa eh hindi na siya ganito ka-clingy at mami-miss ko ang mga panahon na ako ang hanap-hanap niya. Chine-cherish ko lang po ang stage na ito.”

Kaya naman may payo siya sa mga “padede moms.”

“Sa mga padede moms na nakakabasa nito, saludo kami sa inyo  kung kaya at gusto ninyo pa ni baby, go-go-go nasa likod ninyo kami!”

Public Domain Image

Kaya para sa lahat ng mga breastfeeding moms, kayang-kaya ninyo iyan, para sa mga anakshies ninyo!

Source :

Facebook