Blogger iminungkahi ang paggamit ng air fryer sa mga momshies




Imahe mula sa Facebook page na Momshies Diary
  • Iminungkahi ng isang mommy blogger sa mga kapwa momshies na gumamit na rin ng air fryer
  • Mas healthy daw ito kumpara sa tipikal na pagpipirito ng mga ulam sa pamamagitan ng mantika
  • May dagdag pa siyang inspiring insights hinggil sa pagkakakuha niya sa air fryer sa pamamagitan ng raffle

Iba talaga ang nagagawa ng makabagong teknolohiya sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. Bukod sa internet, gadgets, at iba pang mga aparato, may ‘kinababaliwan’ muli ngayon patungkol sa kasangkapan sa pagluluto: ang kinahuhumalingang “air fryer.”

Kaya naman, iminungkahi ng mommy blogger sa likod ng Facebook page na “Momshies Diary” ang paggamit ng air fryer sa mga kapwa niya momshies, na bagama’t medyo may kataasan ang halaga, nakasisigurado naman daw na mas healthy ang mga pagkaing lulutuin, lalo na sa mga ulam na mamantika, na sumailalim sa pagpiprito.

Imahe mula sa Facebook page na Momshies Diary

Aniya, “Hindi required ang air fryer at lalong hindi ito sukatan ng estado sa buhay. Pero share ko lang din itong experience ko. Two days na kaming hindi gumagamit ng oil, bukod pa diyan, tinatanggal din nito yung oil sa pagkain lalo na yung meat.”

“Syempre ang goal natin maging mas healthy! Kumusta ang konsumo sa kuryente? Balitaan ko kayo pagdating ng bill namin,” saad pa niya.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Maganda naman po pala ang air fryer mommy. Bukod sa hindi ka na gagamit ng oil, tinatanggal pa yung oil sa mga taba ng ng pork or sa meat. Puwede ka pang makatapos ng ibang mga gawain. May mga air fryer naman daw po na matipid sa kuryente, meron ding malakas,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Maganda po talaga siyang gamitin. Iwas-oil. Sayang lang po ‘di ako nanalo sa raffle namin may air fryer pa naman.”

“Walang oil pero prone sa iba pang mga posibleng condition. Air fryer user ako pero responsible, huwag ninyo i-asa lahat sa air fryer. Hindi rin ‘yan maganda kapag araw-araw,” babala naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Momshies Diary

Samantala, may pahabol na post pa ang mommy blogger sa comment section.

“Share ko din sa inyo. Hindi rin ako palabili ng mga gamit, lalo na may kalan at kaldero pa naman kami. Alam n’yo na, kailangan magtipid. Yung mga nakikita ninyong gamit ko, puro regalo o napanalunan ko sa giveaways at raffle ito hehe, katas ng raffle.”

“Kaya sabi ko nga sa mga kaibigan at pamilya ko, totoo ‘yung kapag ina-attract mo, may chance mangyari. Itong air fryer na ‘to, bago ko matawag, sabi ko, ike-claim kong akin ‘to. Hirap paniwalaan, hindi ba? Pero totoo ‘yan at ilang beses ko na naranasan. I know you can attract positive things too. Kapit at tiwala lang din.”

Dagdg pa niya, “Yes I hear you. Marami talagang may gusto kaso kulang sa budget. Syempre mas mahalaga yung needs ng pamilya natin. Soon, magkakaron din tayo ng mga bagay na gusto natin.”

Ikaw, handa ka na bang bumili o gumamit ng air fryer?

Source :

Facebook