Application para sa 2022 Ajinomoto Postgraduate Scholarship sa Japan bukas hanggang Marso 1, 2021




Public Domain Image
  • Bukas na ang aplikasyon para sa scholarship ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC) para sa mga nagnanais mag-aral ng post-graduate degrees na may kaugnayan sa siyensya o agham
  • Kailangan lamang maipasa ang kanilang mga itinakdang kailanganin o requirements
  • Hanggang Marso 1, 2021 lamang sila tatanggap ng aplikasyon

May pag-asa nang makapag-aral sa Japan sa pamamagitan ng scholarship ang sinomang Pilipinong nagnanais na matamo ang kanilang post-graduate degree.

Inihayag ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC) na bukas na ang kanilang aplikasyon para sa scholarship sa mga nag-aasam na makapag-aral ng kanilang post-graduate degree, partikular sa larang ng siyensya o agham.

Public Domain Image

Susuportahan ng naturang scholarship ang mga mag-aaplay na Pilipinong nais matamo ang master’s degree sa mga pinakasikat at pinakamahuhusay na pamantasan sa Japan, gaya ng University of Tokyo, Kyoto University, Nagoya University, Tokyo Institute of Technology, Ochanomizu University, Waseda University, at Kagawa Nutrition University.

“We invite Filipino students and graduates to seize this opportunity to learn from the top universities in Japan without having to worry about finances,” paliwanag ni Roann Co, ang General Manager ng Marketing and Public Relations ng APC.

Dagdag pa niya, “We believe in supporting local talents as future innovators because they help build innovations for wellness that will benefit the Filipino people. The program has so far sent 11 Filipino scholars in the aforementioned prestigious universities.”

Sino mang mapalad na mga aplikante sa scholarship na matatanggap ay makakukuha ng suportang pinansiyal sa loob ng halos tatlong taon, bukod pa sa  full coverage ng two-way airfare, admission, tuition, at iba pang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagsasanay sa pagsasalita ng wikang Nihonggo o wika ng mga Hapones, buwanang allowance o baon, at iba pa.

Public Domain Image

Bukas ang aplikasyon sa lahat ng mga Pilipino na nasa edad 35 sa Abril 1, 2021. Sila ay inaasahang may excellent academic record, rekomendasyon mula sa university president o academic advisor, at maipapasa ang Japanese language proficiency training.

Tatanggap sila ng mga aplikasyon hanggang Marso 1, 2021. Para sa mas detalyado at komprehensibong impormasyon, magtungo lamang sa opisyal na website ng Ajinomoto Philippines Corporation.

Ano pa ang hinihintay mo, huwag nang pakawalan ito at sunggaban na ang pagkakataon!