Ano nga ba ang reaksyon ng mga tao sa ikalawang teaser ng ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA?




Image capture mula sa YouTube channel
  • Inilabas na ang ikalawang teaser ng “Voltes V: Legacy” at marami ang napahanga rito
  • Marami ang napapahula kung sino ang gaganap na Steve Armstrong
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento

Ipinasilip na nga ng GMA Network ang ikalawang teaser ng isa sa mga pinakamalaking proyektong TV program nila ngayong 2021 — ang Filipino adaptation nila ng “Voltes V” na talaga namang humakot ng maraming reaksyon mula sa mga netizens, na matagal nang inaabangan ito.

Marami sa mga batang 90s ang nagsasabing nasasabik na silang mapanood ang naturang live-action Filipino adaptation na pinangalanang “Voltes V: Legacy” sa direksyon ni Mark Reyes. Marami na ang humuhula kung sino-sino ang gaganap dito, lalo na sa team leader na si Steve Armstrong.

Image capture mula sa YouTube channel

Ipinasilip din sa teaser ang bonggang computer graphics ng headquarters ng Voltes V na Camp Big Falcon pati na ang pag-ariba ng super electromagnetic machine mula sa kampo, ang iconic laser sword ng higanteng robot at ang Bozanian skull floating fortress.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens na nakapanood ng teaser:

“GMA really loves to pressure themselves when it comes to expectations. The greater the hype, the harder it falls into disappointment,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Astig! Great CGI! Can’t wait to watch this on Primetime TV. Another first from GMA! Kudos to all behind the scenes of this…”

“We can wait kahit matagal pa ipalabas, basta polido lang… Congrats GMA, looks promising… I’m a batang ’90s and the teaser looks good for me. Hope this is a pre-produced series and not shoot-to-air,” sambit naman ng isa.

Wika naman ng isa, “This looks promising. Sana ma-maintain yung quality hanggang wakas at sana hindi maiba yung story. Baka mamaya sa kalagitnaan naging love story na tapos may kabit na storyline pa.”

Image capture mula sa YouTube channel

“Sana 1 episode per week para maraming time mag-edit ang production team. 50-60mins per episode. It’s time to change the Philippine TV format. Please. Dont ruin this for us,” pag-asam naman ng isa.

Ikaw, excited ka na bang mapanood ang Voltes V: Legacy?

Panoorin ang naturang teaser via YouTube channel: