Angelica Panganiban: “Doon ako sa acting president na BABAE”




Public Domain Image
  • “Doon ako sa acting president na BABAE”
  • Iyan ang pahayag ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban
  • Kaugnay ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na hindi pambabae ang trabaho ng pagiging presidente

May “cryptic message” ang aktres na si Angelica Panganiban matapos lumabas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tungkulin bilang presidente ay hindi pambabae.

Ayon sa kaniyang Twitter post noong Enero 14, “Doon ako sa acting president na BABAE,” na espeskulasyon ng mga netizens ay pumapatungkol kay Vice President Leni Robredo.

Imahe mula sa Twitter account ni Angelica Panganiban

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens hinggil sa cryptic post ni Angelica.

“If our next president would be a lady, it’s no other than Sara Duterte. Beautiful, sweet yet brave, strong and authoritative,” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “I agree, but for me, not VP Leni. Qualified ang iba huwag lang siya.”

“Kahit sino naman, mapa-babae o lalaki, walang problema. Ang mahalaga competent. Kayang magdesisyon sa mahahalagang bagay,” saad naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Doon ako sa may nakikitang accomplishments in spite of pandemic. May mga projects na natatapos at puwede ipagyabang hindi yung plano pa lang nagyayabang na tapos ang ending hanggang plano pa rin.”

Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin ang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi pambabae ang posisyon ng pagiging presidente. Paliwanag niya, magkaiba raw ang emotional set up ng babae at lalaki. Dahil dito, sinabihan daw niya ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag nang pangaraping tumakbo sa naturang posisyon sa Halalan 2022.

Public Domain Image

Sa mga nakaraang survey, si Mayor Sara ang nanguna sa mga posibleng kandidato sa pagka-pangulo. Ayaw raw ng panmgulo na maranasan ng kaniyang anak ang mga naranasan niya bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Sa Pilipinas, dalawa na ang babaeng naging presidente. Sila ay sina Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo. May mga babaeng pinuno ring napuri at kinilala sa ibang bansa, tulad ni dating senadora Miriam Defensor-Santiago, at iba pa.