Ancestral house ng lolo ni Joey De Leon hinangaan




Iamhe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • May ancestral house pala ang tv host-comedian na si Joey De Leon
  • Matatagpuan ito sa Malolos, Bulacan
  • Pagmamay-ari ito ng kaniyang lolo at itinayo noong 1923

Hinangaan ng mga netizens ang mga kuhang larawan ng ancestral house ng lolo ni “Eat Bulaga” host ay Henyo Master Joey De Leon na kumakalat sa social media.

Itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Jay Patao” ang mga kuhang larawan nito sa Facebook page na “Memories of Old Manila.” Ang lolo ni  Boss Joey na nagngangalang Ramon Gonzales De Leon ang siyang nagpagawa nito noong 1923 sa Malolos, Bulacan.

Iamhe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“The Ramon Gonzales de Leon ancestral house was built in 1923 in Malolos, Bulacan and is a modest creation of woodwork architecture. It is designed specifically for our tropical weather and located on Cigarillera Street right by the banks of Malolos River (now sadly looks more like a canal with murky water)” saad sa caption.

“No one lives in the house anymore except for a caretaker and his family who were gracious enough to allow us in, check the interior and take photographs.”

“The walls of the house were decorated with diplomas, sepia photographs of the residents of the past. There was a photo of a relative with Emilio Aguinaldo and the stalwarts of Malolos at the time of the First Philippine Republic. Joey’s grandfather, Ramon Gonzales de Leon, was the first mayor of Malolos during the American occupation and served between 1903-1905.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bumabalik ka sa dating panahon… at mararamdaman mo ang ambiance ng lugar, masarap sa pakiramdam,” saad ng isa.

Iamhe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Turan naman ng isa, “Ito yung mga masarap puntahan. Para kang bumabalik sa panahon na ‘di pa nasusulat sa kasaysayan.”

“Kudos, Sir Joey! Ganyan talaga ang dapat gawin ng mga descendants — alagaan at i-preserve ang mga alaala ng mga ninuno nila!”

Napakaganda, hindi ba?