Alagang aso nagdiwang ng kaarawan; may sariling cake at birthday party




Imahe mula sa Facebook account ni John Patrick
  • Nagdiwang ng kaarawan ang isang alagang aso
  • May sarili siyang cake at birthday party
  • Itinuturing na siyang tunay na anak ng kaniyang fur parent

Sa pagmamahal at pag-aalaga ng mga pets gaya ng aso, pusa at iba pa, hindi lamang sila itinuturing na alaga kundi bahagi na rin ng pamilya. Inaalagan sila na tila ba mga tunay na anak, at parang tao ring kailangang bigyan ng pagpapahalaga.

Kagaya na lamang ng isang pet dog na nagngangalang “Mochie” matapos magdiwang ng first birthday niya, subalit ang nakatutuwa rito, ipinaghanda pa siya ng kaniyang fur parent na si Karla Francisca Cambe, 19 na taong gulang, nag-aaral sa isang state university at nagtatrabaho bilang barista sa isang Milk tea shop.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng tiyuhin ni Karla na si John Patrick.

Imahe mula sa Facebook account ni John Patrick

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng netizen na may sariling cake si Mochie na may disenyo ng kaniyang mukha; gayundin, may birthday cap din siya at mga tipikal na handa sa birthday party gaya ng spaghetti, pansit, pizza, at iba pa.

Ayon kay John Patrick, kakilala ng mommy ng kaniyang pamangkin ang dating may- ari kay Mochie, na pinagbili naman sa kanila. Dahil si Mochie ay itinuturing na nilang pamilya, sa kanyang unang kaarawan ay ginawan ng birthday party ang alaga, na tila ba tunay na anak.

“Thank you, MOCHIE. You will forever be my first. Have a good health and I promise, I will always take care of you  and I love you,” mensahe ni Karla para sa kaniyang pinakamamahal na alaga.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

“Happy birthday, Mochie! Ang suwerte mo naman sa fur parent mo. Sana all!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakaka-good vibes naman ito! Kailangan talaga nating ituring na kapamilya ang mga alaga natin. Minsan nga mas loyal pa sila kaysa sa mga tunay na kamag-anak o kaibigan. Just saying.”

Imahe mula sa Facebook account ni John Patrick

Happy 1st birthday, Mochie!

Source :

Facebook