UST nagpagawa ng sariling stormwater drainage system




Imahe mula sa Facebook page ng University of Santo Tomas
  • Nagpagawa ng sariling stormwater drainage system ang UST
  • Ito ay ibinalita ng mismong Facilities Management Office Director ng pamantasan
  • Layunin nitong masolusyunan na ang malalang pagbaha sa harapan nito sa tuwing umuulan

Isa ang University of Santo Tomas sa mga kinikilala at prestihiyosong pamantasan sa Maynila, na talagang inuuna sa listahan ng mga nagnanais na magpakadalubhasa sa iba’t ibang mga kurso, na naitindig sa panahon pa ng mga Espanyol sa bansa. Kung may maipipintas man dito, ito ay ang malalang pagbaha sa harapan nito dahil na rin sa lokasyon nito sa Espanya, Maynila.

Kaya naman, nagpagawa na ng sariling drainage system ang UST na makikita sa Facebook post ni UST Facilities Management Office Director Fr. Dexter A. Austria, O.P, gayundin sa opisyal na Facebook page ng pamantasan.

“The usual perils of flooding that the Manila campus endures will soon be held at bay, as the stormwater drainage flood mitigation project of the University nears completion,” ayon sa caption ng post.

“In a Facebook post earlier today, Facilities Management Office Director fr. Dexter A. Austria, O.P., SThD bares that the project is now 75% complete.”

Imahe mula sa Facebook page ng University of Santo Tomas

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“So that’s what all that digging in the campus is all about. It’s about time! Good job!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Good luck. Hope it works kasi if this works then we can implement around the campus at other places in our country. God bless!”

“Mukhang hindi na kailangan pang magbaon ng tsinelas at shorts ang mga students. Unending grace indeed! This is good for current and future Tomasinos!” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “ADVENT is indeed full of hope… now a reality! UST is so blessed! GOD is the best! Glory, praise and thanksgiving to GOD!”

Imahe mula sa Facebook page ng University of Santo Tomas

Natutuwa ang mga mag-aaral ng UST na hindi na nila magiging problema pa ang paglusong sa baha sa tuwing umuulan. Hangad nilang magtagumpay ito lalo na kapag bumalik na sa physical classes ang mga mag-aaral kapag humupa na ang pandemya.