Senador Win Gatchalian pinuri ang DepEd TV dahil sa world-class na presentasyon ng mga aralin




Public Domain Image
  • World-class umano ang mga ipinalalabas ng DepEd TV, ayon kay Senador Win Gatchalian
  • Pinuri niya ang DepEd dahil dito
  • Napanood umano ng senador ang mga high quality learning materials na hindi raw basta-basta

Pinuri ni Senador Win Gatchalian Department of Education o DepEd dahil sa world-class na presentasyon umano ng mga aralin sa pamamagitan ng “DepEd TV” na isa sa mga learning modality ng mga mag-aaral, bukod sa online classes at pagsagot sa mga nakaimprentang learning modules.

Makikita sa opisyal na Facebook page na “DepEd Tayo” ang pagpuri ng senador sa DepEd TV, na isa sa mga mambabatas na nagpapahayag ng kaniyang opinyon at saloobin hinggil sa distance/blended learning na isinasagawa ngayon ng DepEd.

Public Domain Image

“I took a look at your DepEd TV YouTube. I have to commend DepEd. That is very good high quality material, ang ganda ng material. It’s not made out of our backyard. It is really world-class,” turan ng senador.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Pinasalamatan nila ang mga teacher-boradcasters na ilang buwang sumailalim sa mga pagsasanay sa kamay ng mga premyado at batikang broadcasters sa Pilipinas.

“Congratulations to the teacher-broadcasters and the whole DepEd family!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Absolutely… kaso medyo late yung airing ng ibang episodes… huhuhu, module 7 na ang grade 3 sa amin dito pero po yung mga episodes nasa module 4 pa lang yata… laking-tulong sana sa mga modular ng DepEd TV.”

“Yes, kudos po sa lahat ng mga teacher-broadcasters na sila rin ang gumagawa ng mga scripts and lessons nila, and to the creative team syempre. Paid off naman ang hirap basta para sa mga bata na siyang pag-asa ng bayan!” saad ng isa.

Public Domain Image

Matatandaang bago pa man magsimula ang distance learning ng DepEd, mariin na silang pinaalalahanan ni Gatchalian na “No learner should be left behind.” Samantala, hindi pa nakatitiyak kung kailan makababalik sa physical set up ang mga klase sa basic education.