Mula sa pagiging “heneral”, John Arcilla magiging “healing priest” naman




Public Domain Image
  • Si John Arcilla ang gaganap bilang Father Fernando Suarez sa isang pelikulang magtatampok sa talambuhay nito
  • Si Father Suarez ay kilala sa taguring “The Healing Priest”
  • Markado ang naging pagganap ni John Arcilla sa pelikulang “Heneral Luna” na nagtampok naman sa kabayanihan ni Antonio Luna

Mula sa markadong pagganap bilang “Heneral Antonio Luna,” healing priest naman ang bibigyang-buhay ng mahusay na aktor na si John Arcilla.

Natatawa na lamang si John kapag tinatawag siyang “Father Heneral” dahil siya ang gaganap bilang Father Fernando Suarez sa biography-themed movie nito na “Suarez, The Healing Priest” na isa sa mga mapapalad na nakapasong entry para sa taunang Metro Manila Film Festival o MMFF 2020.

Public Domain Image

Noong Pebrero 4, 2020 ay nakapiling na ni Father Suarez ang ating Panginoon dahil sa myocardial infarction habang naglalaro ng tennis sa Ayala Alabang Clubhouse, tatlong araw bago ang kaniyang ika-53 kaarawan.

Ayon sa mga reaksyon at feedback sa preview ng kaniyang pelikula, malaki ang tsansa na masungkit ni John ang titulong “Best Festival Actor” dahil sa husay na ipinamalas niya sa naturang pelikula.

Para sa kaniya, isang malaking karangalan at achievement na mapiling gumanap sa buhay ni Father Suarez upang ipamalas ang mabunga subalit kontrobersiyal nitong Catholic healing ministry.

Bago mawala sa mundo ang healing priest, natapos na ang shooting nito at nagawa pang masubaybayan ang  recording ng  theme song nitong “Yakapin Mo Ako” na ginawa ng director-composer na si Joven Tan.

Makikita rin si Father Suarez na bandang dulo ng pelikula habang nagdarasal.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay John habang nasa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Malvar, Batangas, malaki umano ang paniniwala niya sa himalang dulot ng pagdarasal, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Malaki rin umano ang epekto ng paggawa niya ng pelikulang ito sa kaniyang personal na paniniwala.

Public Domain Image

“Lalong lumalim ang aking pagmamahal at paggalang sa mga taong naninindigan para sa kanilang pananampalataya. Bumalik ang aking paggalang at pananampalataya sa doktrinang aking kinagisnan,” aniya.

Panawagan niya, “Sana ma-encourage ang lahat na i-patronize ang ganitong platform. Sana ma-boost pa ang audience natin, suportahan natin ang pelikulang Pilipino!”

Bukod kay John, makakasama rin niya ang mga artistang sina Jin Macapagal bilang young Father Suarez, Marlo Mortel, Troy Montero, Rita Avila, Jairus Aquino, Alice Dixson, Dante Rivero, at iba pa.

Samantala, narito ang opisyal na trailer ng “Suarez, The Healing Priest” via YouTube channel:

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/qz-adFMz_kw” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>