Mga South Koreans at Chinese nagtalo sa origin ng “kimchi”




Public Domain Image
  • Hindi naiwasang magtalo ng mga South Koreans at Chinese hinggil sa kimchi
  • Saad ng mga South Koreans, sa kanila nagsimula ito
  • Iba naman ang sinasabi ng China; ang mga kimchi raw sa South Korea ay karamihang gawa sa kanilang bansa

Pinagtalunan ng mga South Koreans at Chinese netizens sa social media ang origin o pinagmulan ng “kimchi,” sikat na Korean cuisine na gawa sa repolyo o cabbage.

Kamakailan kasi, kinilala at nakatanggap ang Beijing ng certification mula sa International Organization for Standardization (ISO) kaugnay ng Pao Cai, sa kategoryang “international standard for the Kimchi industry led by China.”

Public Domain Image

Hindi naman napigilan ng South Koreans na kondenahin ang naturang claim dahil ang South Korea raw ang nauna sa kimchi. Pinaratangan nila ang naturang aksyon na “pagnanakaw ng kultura” mula sa kanila.

“Its total nonsense, what a thief stealing our culture!” sabi ng isang Korean.

Turan naman ng isa, “I read a media story that China now says Kimchi is theirs, and that they are making international standard for it, It’s absurd. I’m worried that they might steal Hanbok and other cultural contents, not just Kimchi.”

Samantala, ipinagtanggol naman ng mga Chinese ang claim na ito. Anila, ang kimchi ay isa sa kanilang mga tradisyunal na pagkain. Karamihan daw sa mga kimchi na kinukunsumo ng South Korea ay gawa sa China.

“Well, if you don’t meet the standard, then you’re not kimchi. Even the pronunciation of kimchi originated from Chinese, what else is there to say,” saad ng isang Chinese.

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Agriculture Ministry ng South Korea hinggil sa naturang isyu.

Public Domain Image

“It is inappropriate to report (about Pao Cai winning the ISO) without differentiating Kimchi from Pao Cai of China’s Sichuan,” saad sa naturang pahayag.

Dito sa Pilipinas, nakilala ng mga Pilipino ang kimchi dahil sa pagkilala at kasikatan ng Korean Pop Culture o K-Pop. Kadalasan itong kasama sa pagkain ng samgeyopsal o kaya ay ramen.