Mga outfits ni Catriona Gray sa Miss Universe Colombia pageant itinampok sa “Preview”




Imahe mula sa Instagram account ni Justin Aliman
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang mga naging outfit ni Catriona Gray sa paghuhurado sa ginanap na Miss Universe Colombia
  • Highlight nito ang kaniyang yellow gown na isinuot niya sa coronation night
  • Ang naturang finale gown ay likha ni Leo Almodal

Kamakailan lamang ay naging isa sa mga hurado ng Miss Universe Colombia 2020 si Miss Universe 2018 Catriona Gray noong Nobyembre 16, 2020 na bagama’t naging kontrobersiyal ang pagpapakilala sa kaniya ng host bilang “Australian by birth” at maling baybay sa kaniyang apelyido bilang “Garay” sa screen, hindi naman nagpaawat si Queen Cat sa pagpapamalas ng kaniyang angking-ganda dahil sa kaniyang mga isinuot na outfit at ipinamalas na style.

Sino nga ba ang gumawa ng mga stylish outfits ni Catriona?

Ito ay walang iba kundi ang fashion designer na si “Leo Almodal,” at ang nag-ayos naman kay Catriona ay ang mga stylists na sina Justin Aliman at Patrick Henry Mergano.

Itinampok sa “Preview” ang kaniyang mga isinuot na outfit mula sa unang araw ng kaniyang pagganap bilang hurado sa naturang kompetisyon.

Imahe mula sa Instagram account ni Justin Aliman

Sa pagdating ni Catriona sa Colombia, suot niya ang nakamamanghang tri-color ‘fit na hinango sa bandila ng Pilipinas. Ang sash nito ay yari sa Yakan na isang lokal na tela.

Nakihalubilo naman si Catriona sa mga hopeful candidates suot ang all-white look na nagtatampok sa woven cropped terno top ni Jaggy Glarino, na tinernuhan ng flared trousers at pointed pumps.

Para naman sa kaniyang Smile Train outreach, nagsuot lamang siya ng simpleng white tee na tinernuhan ng blue and silver woven inaul skirt na likha ni Jearsond. At syempre, hindi naman nawawala ang kaniyang face mask.

Sa swimsuit preliminaries, suot pa rin ni Catriona ang likha ni Jearsond. Ito ay isang short terno dress na may eleganteng black train, at hindi pa rin mawawala sa kaniya ang pagsusuot ng face mask, na terno sa kaniyang dress.

Isa pa sa mga  printed suit na nagustuhan din ng mga tagahanga ay ang Callado embroidered suit na likha naman ni Frederick Berches. Binagayan ito ng kaniyang bright crimson lippie at pares ng stilettos.

Imahe mula sa Instagram account ni Justin Aliman

At para naman sa coronation night, pinag-usapan ang kaniyang unconventional embroidered romper ni Leo Almodal, na sinamahan pa ng kulay-gold na face mask.

Napakaganda talaga ng ating Miss Universe Catriona Gray na isang proud Filipina!