Lab-grown chicken meat ibinebenta na sa Singapore




Public Domain Image
  • Maaari nang ibenta ang mga nuggets na gawa sa “lab-grown chicken meat” o dumaan sa makaagham na proseso sa laboratoryo sa bansang Singapore
  • Ito ay nagmula sa animal muscle cells
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Inaprubahan ng Singapore ang pagtitinda ng “lab-grown chicken meat” o karne ng manok na nagmula mula sa mga animal muscle cells na isinaayos sa laboratoryo, sa halip na na magmula mismo sa kinatay na hayop, na kadalasang ginagawa ng lahat.

“Demand for alternatives to regular meat is surging due to consumer concerns about health, animal welfare and the environment. Plant-based meat options, popularized by Beyond Meat Inc and Impossible Foods, increasingly feature on supermarket shelves and restaurant menus,” ayon sa Eat Just, ang nag-manufacture nito.

Public Domain Image

Singapore ang kauna-unahang bansang magsasagawa nito.

“The first-in-the-world regulatory allowance of real, high-quality meat created directly from animal cells for safe human consumption paves the way for a forthcoming small-scale commercial launch in Singapore,” ayon pa sa Eat Just.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“You’ll be afflicted with deadliest diseases in the shortest time that you cannot imagine in consuming this food oftentimes,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yung french fries pa nga lang na preserved at iba pang processed food eh sinasabi ninyo na isa sa mga uri ng pagkain na nagdudulot ng cancer eh, ano pa kaya ito na hindi natural at ginawa sa isang laboratoryo? How sure you are na safe ito?”

“Wala namang masama kung susubukin, hindi ba? Marami na ang processed and artificial food na kinakain natin, so I think safe naman iyan. Hindi naman siguro lalabas iyan kung hindi safe,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Saad naman ng isa, “Mas safe ang natural born chicken na na-incubate sa tamang oras at araw ng inahing manok. Ang pagkain ay walang short cut na ginawa sa pamamaraan ng laboratory na within days lang ay puwede nang kainin. Mas safe natural at organic food, period.”

Ang naturang lab-grown chicken meat ay ibebenta sa anyong chicken nuggets at ibebenta sa halagang at $50 bawat isa.