Kilala mo ba kung sino ang “Queen of Philippine Travels?”




Public Domain Image
  • Ginunita ng mga netizens ang tinaguriang “Queen of Philippine Travels”
  • Ito ay si Susan Calo-Medina na namaalam sa mundong ibabaw noong 2015
  • Naging TV host siya ng longest at award-winning travel documentary show na “Travel Time”

Sadyang napakaraming magagandang lugar at tanawin sa Pilipinas na nararapat mapuntahan, mapasyalan, at maipagmalaki sa mga dayuhang turista. Mas mabilis na naitatampok ito lalo na sa panahon ngayong uso ang travel vlogs.

Kaya naman, itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Florencio Florendo” ang tinaguriang “Queen of Philippine Travels sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na siya munang naglahad ng magagandang pasyalan at tampok na tanawin sa Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang TV show na “Travel Time.”

Public Domain Image

“Sino siya? Bago pa man nauso ang mga travel vlogs, travel shows ng mga new breed travel show hosts ng henerasyon ngayon, siya na ang tinaguriang Queen of Philippine Travels…” ayon sa caption.

Ang tinutukoy na TV host ay walang iba kundi si Susan Calo-Medina.

“Sa kanyang pagtatapos sa mga travel episodes lagi niyang sambit, Huwag maging dayuhan sa sariling bayan, I’m SUSAN CALO-MEDINA and this is TRAVEL TIME,” dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Love this show informative and historical, even it’s sound track was pleasant!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes, napapanood ko siya with singer Wency Cornejo. I love this show. Paborito ko ang programa niya, kasi para na rin akong naglakbay sa kapuluan ng Pilipinas nang walang gastos kapag nanonood ako niya. Bago pa mauso ang travel vlogs at yung show ni Drew Arellano, ito muna ang sinubaybayan ko.”

“Her legacy lives on. Sa mga episodes niya unang napanood ko ang Isla Naburot, Turtle Islands, Siargao Islands, Polilio Islands, San Vicente, Palawan and a lot more. These episodes were aired mid and late 90s. No cellphones, no social medias yet. I always stay up late at night just to watch her shows,” wika ng isa.

Public Domain Image

Ang Travel Time ay maituturing na “longest travel documentary show” sa Pilipinas na unang naipalabas sa GMA Network, pagkatapos ay nalipat at nagtapos sa ABS-CBN News Channel o ANC noong 2015 dahil sa kaniyang paglisan sa mundong ibabaw.

Bukod sa TV host at manunulat, siya rin ay naging marketing director ng Cultural Center of the Philippines o CCP at naging kasapi ng National Commission on Culture and the Arts’ Committee on Communication.