Giselle Sanchez sasali sa Noble Queen of Universe pageant




Imahe mula sa Instagram account ni Giselle Sanchez
  • Si Giselle Sanchez ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa isang pageant
  • Ito ay ang “Noble Queen of the Universe” 
  • Ang kauna-unahang nakasungkit ng titulo nito ay ang aktres na si Patricia Javier sa ginanap na pageant noong Disyembre 2019

Mula sa pagiging komedyante at TV personality, papasukin na rin ni Giselle Sanchez ang pagsali sa isang beauty pageant sa darating na Disyembre 13, 2020.

Makikita sa Instagram post ni Giselle nitong Lunes, Nobyembre 30, 3030, ang kompirmasyon ni Giselle sa kaniyang pagsali sa “Noble Queen of the Universe” pageant bilang kinatawan ng Visayas, na gaganapin sa pamamagitan ng virtual competition via Zoom.

Imahe mula sa Instagram account ni Giselle Sanchez

“It is my honor to announce that I was chosen out of hundreds of advocacy-driven family women to represent Noble Queen Visayas,” aniya.

Pag-amin niya, noong una raw ay nagdadalawang-isip siyang tanggapin ang hamon na ito, subalit sumang-ayon na rin siya dahil sa magandang adbokasiya nito. Nais daw niyang makatulong sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo para sa kawanggawa.

“I was hesitant to accept this position at first but when I saw the advocacies of @noblequeenuniverse and how they SINCERELY helped a lot of people especially during this pandemic and typhoon disasters, I agreed to join this pageant mainly to raise funds to be able to help my fellow Filipinos.”

“Akong mga kababayang Bisaya, mangayo kog suporta sa inyuha. Thank you! See you all via zoom on Dec 13,2020,” ani Giselle.

Pinasalamatan niya hindi lamang ang organisasyon kundi maging ang kapwa-artistang si Patricia Javier sa panghihikayat sa kaniyang sumali rito.

Imahe mula sa Instagram account ni Giselle Sanchez

“I would like to thank #noblequeenoftheuniverse2019 and Patricia Javier for convincing me to take this leap and represent my region to be able to help others.”

Naging mainit naman ang pagtanggap dito ng publiko.

“She’s intelligent and witty. She has a great sense of humor. A better one to join. I know she can,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yeah I’m glad she is joining. She is a beauty and always got a lot of sense of humor. Kahit na komedyante siya, matalino siya. I could attest to that!”

“She’s a UP graduate and I think, summa cum laude yata siya. Kaya sana maiuwi niya yung korona,” pahayag naman ng isa.

Si Javier ang kauna-unahang nanalo sa Noble Queen of the Universe pageant noong Disyembre 2019. Natalo niya ang 20 kandidata mula sa iba’t ibang mga bansa.

Congratulations in advance, Giselle! Claim it!