Doctor na na-diagnose na may bipolar 2 nakapasa sa Physician Licensure Exams




Imahe mula sa Facebook post ni Alberto Antonio, Jr. / Public Domain Image
  • Naipasa ng isang doktor ang Physicial Licensure Exams sa kabila ng kaniyang kalagayan
  • Siya ay na-diagnose at nagamot na sa pagkakaroon ng depresyon o bipolar 2
  • Malaki ang naging pasasalamat niya sa Diyos gayundin sa mahahalagang tao sa buhay niya na nagbigay ng pag-asa at inspirasyon sa kaniya

Isang doktor na kamakailan lamang ay na-diagnose sa pagkakaroon ng depression/bipolar 2/anxiety ang nagbahagi ng kaniyang mga karanasan bago matagumpay na naipasa ang Physician Licensure Exams.

Makikita sa Facebook post ni “Alberto Antonio, Jr.” ang kaniyang pagsasalaysay kung paano niya naabot ang pagtatagumpay sa kabila ng kaniyang kalagayan. Maituturing daw niyang isang “bangungot” ang kaniyang pinagdaanan. Mahirap daw pagsabayin ang paghahanda para sa eksamin at pagpapagamot sa kaniyang kalagayan.

Imahe mula sa Facebook post ni Alberto Antonio, Jr.

“As I lay there in the hospital bed, all drugged up, I was so sure I would not continue anymore, that taking care of myself was paramount,” aniya.

“Depression is both a deceiver and a thief. It deceives into making one think that the reality is only anguish and worthlessness. It steals the spirited energy that leaves one overwhelmingly exhausted and in need of isolation. And quite literally, it felt weird!”

“When I got discharged, it felt like the sockets of my eyes, the fibers of my limbs, the effort of each breath, were all so numb and heavy. I was only a few nights away from the biggest exam of my life and here I was: a complete mess. Still, I wondered if I should at least try to study despite the odds.”

Dumating daw sa puntong hindi na raw niya nauunawaan ang mga lectures. Subalit ang inisip na lamang niya at ginawang inspirasyon ay ang kaniyang mga kaibigan, pamilya, lalo na ang kaniyang ina.

“Me, not understanding the lectures, flunking every exam, spiraling down every so often, being crippled with anxiety, and giving up every single moment. Baka naman kaya. And the only way to know is to put up a fight, I thought. Tacky as it may sound, I held on to hope, not of mine, but of my good friends, of my family, and most especially of my mother – their hope for me.”

Public Domain Image

“My mom brought food to my room every single meal. My friends stayed with me 24/7 and helped me study. My therapist and my school/review mentors were guiding me every step of the way. My entire school was cheering me on.”

Kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagpapasalamat dahil naipasa niya ang eksamin sa kabila ng kaniyang kalagayan. Malaki ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal na ginabayan siya sa lahat ng sandali.

“My words of gratitude are endless to all those who helped me through. Rest assured, I shall pay it forward. I will treat every patient with utmost care and respect. As broken as the world may seem, there are wounded people that are healed by wounded people, just as Jesus was a wounded healer Himself.”

“My therapist, after finding out I passed, had this to say: Everytime we hurdle one challenge after another, we continue to grow in character. Off to the next chapter of our lives. Now, it is time to set the world on fire. AMDG!”

Si Doc Alberto Antonio, Jr. ay isa na ngayong Doctor of Medicine, may masterado sa Business Administration, lisensyadong physician, at  advocate ng mental health. Pagbati sa ‘yo, Doc! Isa kang inspirasyon para sa aming lahat!

Source :

Facebook