“Otso-otso” at “Spaghetti” dance craze sinariwa ng isang netizen




Imahe mula sa Facebook account ni Kath
  • Sinariwa ng mga netizens ang dalawa sa mga pinakasikat na dance craze noong 2003-2004
  • Ito ay ang “Otso-Otso” ni Bayani Agbayani at “Spaghetti song” ng SexBomb Girls
  • Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan hinggil sa dalawang dance craze na ito

Bago pa man nauso ang pagsayaw, pagpapa-cute, at pagpapasikat sa TikTok, iba’t ibang dance craze na ang kinahiligan ng mga Pilipino, na talaga namang naging materyal sa mga pasiklaban at pasikatan.

Iyan ang sinariwa ng netizen na may pangalang “Kath” kung saan ibinahagi niya sa Facebook post ang larawan ng mga mag-aaral na nagpapasiklaban sa dalawang dance craze na sumikat noon: ang “Otso-otso” na inawit ng komedyanteng si Bayani Agbayani, at “Spaghetti song” ng SexBomb Girls.

Imahe mula sa Facebook account ni Kath / Public Domain Image

“RIP sa mga kaklase kong nilampaso ko sa Otso-Otso at Spaghetting pababa showdown dati. Hahaha,” ayon sa caption ng kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, na kinabaliwan at sinayaw rin ang naturang mga dance craze.

“Yes! Sikat na sikat ang mga dance craze na iyan noon. Laging ginagawang contest sa Christmas party, saka laging ginagamit sa mga dance contest sa mga bara-barangay. I miss those days!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku, maraming nailadlad at nailabas sa closeta dahil sa mga sayaw na iyan. Mapapsigaw ka na lang ng confirmed!”

“I remember those days na talagang palambutan ng kembutan at galawan!” pahayag naman ng isa.

Noong kasagsagan ng 2003 hanggang 2004 nauso ang mga pampaindak na novelty songs kagaya ng Spaghetti song ng SexBomb Girls na unang sumikat sa Eat Bulaga. Nagsimula sila bilang background dancers, hanggang sa maging multimedia stars. Tinagurian silang  “The Best-Selling Philippine Female Group of All Time.”

Public Domain Image

Ang “Otso-Otso” naman ay sumikat noong 2004 na inawit naman ni Bayani Agbayani. Hindi alam ng marami na nagsimula si Bayani sa GMA Network bilang kabilang sa production staff ng noontime show na “Lunch Date” hanggang sa ito ay mareformat bilang “SST: Salo-Salo Together,” na noon ay katapat ng Eat Bulaga, na nasa ABS-CBN pa noon. Lumipat si Bayani sa ABS-CBN noong 1996 at dito na siya nakilala bilang isang mahusay na komedyante.