Hollywood actress Amber Heard pinepetisyong tanggalin sa “Aquaman 2”




Public Domain Image
  • Malakas ang panawagan ng mga tagahanga ni Johnny Depp
  • Pinatatanggal nila si Amber Heard sa “Aquaman 2”
  • Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang petisyon

Pumalo na sa halos isang milyon ang mga pumirma sa petisyong mapaalis ang Hollywood actress na si Amber Heard bilang isa sa mga cast ng pelikulang “Aquaman 2,” na karamihan ay mga tagahanga ni “Pirates of the Caribbean” star Johnny Depp.

Ang naturang petisyon ay naka-address sa Warner Bros and DC Entertainment, na humihiling na tanggalin ang naturang aktres,  “be taken to prevent a known abuser from being celebrated within the entertainment industry.” Isang nagngangalang Jeanne Larson ang gumawa ng petisyon sa pamamagitan ng Change.org, na naglalayong makapangalap ng 3 milyong lagda.

Public Domain Image

Nag-ugat ang galit ng mga tao kay Heard dahil sa paninirang-puri nito sa sikat na Hollywood actor na si Johnny Depp, na umano’y isang “wife beater” o mapanakit sa asawa; bagay na pinabulaanan naman ni Depp, na nagsampa naman ng kasong libelo.

Subalit napatunayan sa korte na si Depp ang mapanakit sa kaniyang dating misis, na naging dahilan upang matanggal siya sa cast ng “Fantastic Beasts 3″ matapos niyang matalo sa kasong libelo na isinampa ni Heard sa kaniya. At bilang ganti ng mga tagahanga ni Depp, ito naman ang kanilang panawagan: tanggalin si Heard sa Aquaman 2 upang patas ang maging labanan.

“Paid rumors and paid campaigns on social media don’t dictate casting decisions because they have no basis in reality,” saad naman ni Heard sa panayam ng Entertainment Weekly.

“Only the fans actually made Aquaman and Aquaman 2 happen. I’m excited to get started next year,” dagdag pa niya.

Nagpakasal sina Heard at Depp noong 2015 matapos nilang maging co-star sa “Rum Diary.” Matapos ang dalawang taon, sila ay nagdiborsyo dahil sa alegasyon ni Heard na sinasaktan siya ng kaniyang asawa.

Public Domain Image

Noong 2019, kinasuhan ng libelo ni Depp ang dating misis dahil sa alegasyon ni Heard na nakaranas siya ng domestic violence. Kinasuhan din ni Depp ang publishers of “The Sun.”

Nitong Nobyembre 2020, ibinaba ng mataas na hukuman ng England na ang mga bintang o alegasyon ni Heard laban kay Depp ay totoo; bagay na nais namang i-apela ng aktor.